Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Lamang Lupa
Unique
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Oh, lamang lupa, sa'n mo ba 'ko dadalhin?
Katotohanan ay ayoko munang harapin
Gusto ko lang namang makalimutan ang
Dala-dalang problema kahit pansamantala
Oh, lamang lupa, sa'n mo ba 'ko dadalhin?
Lumalabo't umiikot ang aking paningin
Akala ko, patungo na 'ko sa taas
Ayoko sa ilalim, oh, kay hirap pumiglas
Oh, lamang lupa, sa'n mo ba 'ko dadalhin?
Ang kadilima'y mahigpit ang yakap sa akin
Limot na alaala ay bumabalik
At kalungkutang walang tigil sa pananakit
Oh, lamang lupa, sa'n mo ba 'ko dadalhin?
Pakiramdam ay parang nasa dulo ng bangin
Ang kamatayan ba'y nasa 'king likuran?
Oras na ba? Heto na ba'ng aking katapusan?