Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
iglap
syd hartha
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Nagsimula sa mga bagay na 'di naman dapat
Pinagsasayangan ng oras
Mga salitang 'di ko inakalang masasabi mo
Oh, ano'ng nangyari sa 'yo, oh?
Nagbago ang simoy ng hangin
Palayo nang palayo ka na sa akin
'Di ko lang maunawaan
Sana nama'y iyong linawin
Kung bakit sa isang iglap, ika'y nagsawa
Sa noong hiniling kay Bathala
Bigla-bigla na lang binalewala,
Mananatili ba o pipiliin ang sarili?
Sa aking bawat paglapit, ika'y lumalayo
Palayo nang palayo, palabo nang palabo
Nais ko pa sanang manatili
Nguni't parang wala nang dahilan pa
'Di na ba mababalik pa sa dati?
Hahayaan na lang bang tangayin lang ng hangin
Mga bagay na sabay natin noon pangarapin?
Sa isang iglap, ika'y nagsawa
Sa noong hiniling kay Bathala
Bigla-bigla na lang binalewala
Mananatili, ooh, whoa-oh
Ooh, naninikip ang dibdib, nais ka lang makatabi
Sabik na sabik sa 'yong pagmamahal na 'di pilit
Nguni't kung mas pipiliin mong umalis
Tatanggapin, 'di hihintayin, 'di na aasahan pang bumalik