Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Tandang Pananong
Flict G
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Paniniwala't opinyon, ideolohiya't impresyon
At pananaw natin ay magkaiba (magkaiba, magkaiba)
Sino nga ba ang may tangan ng tamang kasagutan?
Ako ba, ikaw, o baka sila? (baka sila, baka sila)
Bakit 'pag tayo ay yumaman, tayo lang ang magaling
Ang papuri ay wala sa kanila? (sa kanila, sa kanila)
Bakit 'pag tayo'y nalugmok, nilamon ng kahirapan
Sinisisi na natin ay iba? (ay iba, ay iba)
Baka tayo rin naman ang salarin
O natatakot lang tayo na alamin 'to?
Para saan pa na matuto na tingnan ang 'yong imahe
Kung kailan basag na rin yung salamin mo?
Hidwaan ng mga pang-ulo sa ngayon
At digmaan mula pa nung unang panahon
Ngunit ang kaguluhan ay nagmula sa iba't ibang sagot
Sa iisang tandanong pananong
Kailan magugunaw itong mundo?
Anong aklat kaya ang totoo?
Naging mabuti ba tayo?
Maililigtas kaya ako?
Nasaan na nga ba ang tamang sagot sa tandang pananong?
Hindi kaya sarili lang natin ang kalaban natin
At ang akala natin ay sila? (ay sila, ay sila)
Pare-parehas kasi nating gustong mapabuti
Ngunit ang interes lang natin ang magkaiba (magkaiba, magkaiba)
Iba-ibang kalsada ang nilalakaran
Pero ang paroroonan natin sa huli ay iisa (ay iisa, ay iisa)
Hindi maiiwasan na tayo'y magkabanggaan
Kahit may sari-sariling linya para mauna (mauna, mauna)
May biniyayaan ng kasaganahan
May pinagkaitan ng kayamanan
May 'di pinalad at pinambayad ang sariling dugo
Para sa mithi'ng kapayapaan
Mayroong pinaboran ng panahaon
Mayroon naman na napaaga sa kahon
Ngunit ang kaguluhan ay nagmula sa iba't ibang sagot
Sa iisang tandang pananong
May mabuti nga basa mundong ito?
Ligtas pa rin ba ang pamilya mo?
Sapat na nga ba ang ipon mo?
Kung tibok ng puso'y hihinto
Nasaan na nga ba ang tamang sagot sa tandang pananong?
Ang buhay ay walang usad kung iuugnay sa biyahe
Anong tunay na detalye? 'Kakaumay, 'kakadiyahe
Sa panahon ng makabagong batuhan ng mensahe
Kakaunti ang may alam sa mga tunay na nangyari
Sino ba'ng may pakana? Kung gusto mong alamin
May dahilan kung ba't tugma ang "sila rin" sa "salarin"
'Di maintindihan pagsusumamo't hinaing
'Pag wala kang pakinabang, katay ka parang inahin
Sumigaw ka man ngayon, wala ka ring mapapala
Kung kontrolado ng taas yung impormasyon sa baba
Harap-harapang nanakawin, gagawin pa tayong bobo
Ang tingin nila sa atin pampadagdag lang sa boto
Kung napakinggan mo 'to, hindi ito nagkataon
Nasa kahon na tayong lahat kaya nagkagano'n
At kalaunan, ididikta sa'yo ng panahon
Na nasa atin lang ang sagot sa tandang pananong
Anong nangyari sa lupang ito? (Anong nangyari?)
Mananahimik na lang ba tayo? (Tatahimik lang ba?)
Mag-aaklas pa ba tayo o makikinabang din sa ganito?
Nasaan na nga ba ang tamang sagot sa tandang pananong?
Naging mabuting tao ba tayo? (Tandang pananong)
Ninakaw mo ba ang nasa bulsa mo? (Tandang pananong)
Ilan ang kasalanan mo? 'Sindami ba ng kayamanan mong
Sapat ba para tubusin ang kaluluwa mo? (Tandanong pananong)
Naging mabuting tao ba tayo? (Tandang pananong)
Naging mabuting tao ba tayo? (Tandang pananong)
Naging mabuting tao ba tayo? (Tandang pananong)
Naging mabuting tao ba tayo? (Tandang pananong)