Skip to content

Hele Para Kay Stella

Popularity · Low

YouTube

Searching YouTube...

Lyrics

Bigay sa 'kin ng Poong Maykapal Kailanma'y 'di magmamaliw ang aking pagmamahal Iduduyan ka ng umaagos kong pag-ibig Habang tangan-tangan ka rito sa 'king mga bisig Ikaw lamang ang aking hiling Ang tangi kong dasal sa saliw ng isang awit Tigib-luha ang tuwa na 'yong dinulot Init ng pagsinta ko ay magsisilbing kumot Tila isang bituin, ikaw ang nagbigay ng dahilan Tahasan sa madilim kong daan Ito ang iyong pakatandaan Ang pag-ibig ko sa 'yo'y walang-hanggan Aking awit para sa iyo, Stella Ang tanging yaman ko at iiwang alaala Itong aking buhay, sa iyo'y iaalay Wagas kong pag-ibig ay hindi magwawalay Tila isang bituin, ikaw ang nagbigay ng dahilan Tahasan sa madilim kong daan Ito ang iyong pakatandaan Ang pag-ibig ko sa 'yo'y walang-hanggan 'Di maipaliwanag ang ligayang nadarama 'Pagkat ika'y ngayo'y narito na