Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Gitna (From "Mga Batang Poz")
Davey Langit
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Nakalulan sa bangka ang mga pusong inalipin ng kilig
Unti-unting lumulubog sa dagat ng pag-ibig
Saklolo, saklolo, tulungan niyo akong intindihin
Pa'no ba tayo dumating sa ganito?
Sumasagwan na tayong palayo, palabo nang palabo
'Di ko na makita ang pampang ng 'yong isipang 'di malaman
Para bang isang daang sanga-sanga, saan ba tayo papunta?
Kung palaging hindi mo alam
Ang sagot sa 'king tanong kung sino ba 'ko sa iyo
At sa mundong 'yong ginagalawan
Mas pipiliin kong wala, huwag mo lang akong iiwan
Sa gitna, ha-ah-ah, ha-ah, ha
Ayoko lang maiwan sa gitna, ha-ah-ah, ha-ah, ha
Ayoko lang maiwan sa gitna
Sa gitna nitong dagat ng kawalan
Kung saan pinilit kong lunurin ang pagtangi na hindi maaari
Hindi ko mawari kung ba't natutong lumangoy
Kaya ang puso ko ngayo'y nananaghoy
'Di ba puti't itim lang 'to? Bakit tayo kulay-abo?
At palaging hindi mo alam
Ang sagot sa 'king tanong kung sino ba 'ko sa iyo
At sa mundong 'yong ginagalawan
Mas pipiliin kong wala, huwag mo lang akong iiwan
Sa gitna, ha-ah-ah, ha-ah, ha
Ayoko lang maiwan sa gitna, ha-ah-ah, ha-ah, ha
Huwag mo lang akong iiwan
Sa gitnang walang kasiguraduhan, wala kasing kahulugan
Ang mga salita na palagi mong binibitawan tuwing magtatanong
Ano nga ba talaga tayo? Napakalinaw ng malabo
Gusto ko nang matapos ang hindi pa nagsisimula pa lang
Kahit alam ko nang dehado
Inunawa ka no'ng sabi mong "'Di pa 'ko sigurado"
Oo o hindi, wala namang tama o mali
Huwag mo lang sana naman akong iiwan
Sa gitna, ha-ah-ah, ha-ah, ha
Ayoko lang maiwan sa gitna, ha-ah-ah, ha-ah, ha
Huwag mo lang akong iiwan, ha-ah-ah, ha-ah, ha
Ayoko lang maiwang
Nakalulan sa bangka ng mga pusong inalipin ng kilig
Unti-unting lumulubog sa dagat ng pag-ibig