Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Sayaw Ng Mga Tala
Matty Juniosa
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Lilipad lilitaw sumasabay ang 'yong damdamin sa galaw ng araw
Suntok sa buwan ang nakaw na tingin
Naghihintay kung ibabalik mo sa akin
Ilang taon na ba kita sinusundan
Naipon na ang isang daang liham
At isang libong kanta naririnig mo ba ang puso ko
Nakikita mo ba saking mata na may gusto ako sa'yo
Ikaw ang talang gustong abutin di dahil ang tangkad mo rin
Ngunit dahil nakita ang buti ng puso mo
Ang tipid mo sa tawa ang gastos sa kunot noo
Ngunit ang tamis makita ng ngiting pilit mong tinatago
Hinihintay bawat umaga dala ang dobleng almusal
Minsan naiimik minsan deretso bisikleta
Madalas 'di mo ako pinapansin galit ka ba pag tutoring
Ngunit sa aking pag-iyak ikaw lang din ang tatabi
Lulubog lilitaw sa paglipas ng bawat araw andiyan ka pa rin
Hinihintay mo bang dumilim
Ngunit tila dala mo ang araw at ang mga bituin
Ilang palapag ang layo ng ating bahay pati na rin ang ating pag-iisip
'Di ko maintindihan kung nag-iisip ka ba nang sinabi mong may gusto ka sa akin
Ilang taon ko na yan napapansin
Ikaw ang liwanag na umaabot sakin tuwing nagdidilim
Pumasok ka sa buhay ko ng walang paumanhin
Hangga't hinahanap-hanap ko na ang iyong mga ngiti
'Di makatanggi sa lahat ng iyong hiling
'Di mo alam tagos sa puso ko ang iyong bawat hikbi
Gusto kitang tulungang pagtripan at minsan yakapin
Inukit mo na ang iyong pangalan sa aking pangarap
At sa bawat hakbang ang iyong kamay na ang kahawak
Kung nakikita mo ang nakikita ko 'di ka magtatanong kung bakit 'di sumuko
Kung nakikita mo ang nakikita ko
'Di magtatanong kung ba't ikaw ang pinili ko
Oh oh