Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Oh! Heto Nanaman
Jay Tolentino
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
(Hi, I'm Ice, nice to meet you!)
Oh! Heto na naman
Ang pusong nagmamahal
Oh! Heto na naman
Sana'y mapagbigyan, yo!
Oh! Heto na naman
Pag-ibig ay naramdaman (kung papayag ka lang)
Nakasarado kong puso
Bakit muli mong binuksan? (Sana ako'y mapagbigyan)
Oh! Bakit ba ganiyan?
Laman ka lagi ng isipan (kung papayag ka lang)
Oh! Heto na naman
Ang tulad ko ay tinamaan na naman (yo!)
Ikaw ang hinahanap paggising sa umaga
Larawan mo, sinta, ang nais kong makita
Tuwing gabi, kaakit-akit ang 'yong awra
Na tila tala sa langit ang gumambala
Sadyang walang kupas, 'di maikumpara
Nag-iisang liwanag, nagbibigay pag-asa
Nandito ako para sa 'yo magkalinga
Ikaw at ako hanggang sa huling hininga
Ako'y mangangako, pero 'di mapapako (are you serious?)
Asahan mo na ikaw lang ang inaako
Hinamak ang lahat, apoy 'di naglaho
Matamis na halik mo ang nais madama
Palaging sabik sa 'yo aking mga mata
Kurba ng katawan, higit na umaapaw
Sa bukas mong pintuan, ako'y nasilaw
Oh! Heto na naman
Pag-ibig ay naramdaman (kung papayag ka lang)
Nakasarado kong puso
Bakit muli mong binuksan? (Sana ako'y mapagbigyan)
Oh! Bakit ba ganiyan?
Laman ka lagi ng isipan (kung papayag ka lang)
Oh! Heto na naman
Ang tulad ko ay tinamaan na naman (yo!)
Oh! Heto na naman, nag-iisip ng paraan
Ano ba'ng gagawin? Paano ka maliligawan?
Hindi ko nga alam kung saan sisimulan
Lahat ay gagawin basta't sabihin mo lang
Kahit saang simbahan, nais kang pakasalan (oh, really?)
Hanggang walang-hanggan, ikaw ay ipaglalaban
Sa hirap at ginhawa, nais kang makasama
Pintig ng aking puso ay 'yong madarama
Mahal kita higit pa sa 'yong inakala
Sana ay pagbigyan ang aking pagsinta
Pangako ko sa 'yo, hindi ka na mag-iisa, yo!
Oh! Heto na naman
Pag-ibig ay naramdaman (kung papayag ka lang)
Nakasarado kong puso
Bakit muli mong binuksan? (Sana ako'y mapagbigyan)
Oh! Bakit ba ganiyan?
Laman ka lagi ng isipan (kung papayag ka lang)
Oh! Heto na naman
Ang tulad ko ay tinamaan na naman
(Kung papayag ka lang, sana ako'y mapagbigyan)
Oh! Heto na naman (kung papayag ka lang, sana ako'y mapagbigyan)
Pag-ibig ay naramdaman (kung papayag ka lang, sana ako'y mapagbigyan)
Nakasarado kong puso
Bakit muli mong binuksan? (Sana ako'y mapagbigyan)
Oh! Bakit ba ganiyan?
Laman ka lagi ng isipan (kung papayag ka lang)
Oh! Heto na naman
Ang tulad ko ay tinamaan
Oh! Heto na naman
Pag-ibig ay naramdaman (kung papayag ka lang)
Nakasarado kong puso
Bakit muli mong binuksan? (Sana ako'y mapagbigyan)
Oh! Bakit ba ganiyan?
Laman ka lagi ng isipan (kung papayag ka lang)
Oh! Heto na naman
Ang tulad ko ay tinamaan na naman
Kung papayag ka lang, sana ako'y mapagbigyan
Kung papayag ka lang, sana ako'y mapagbigyan (oh! Heto na naman)
Kung papayag ka lang, sana ako'y mapagbigyan
Kung papayag ka lang, sana ako'y mapagbigyan, yo (yeah)
(Okay then, see you at 8)