Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
One Hit Combo
Parokya ni Edgar - Topic
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Come on, game ka, ah? (Sige)
One, two, three, four
Nandito na naman kami
Nagkakantahan sa isang tabi
Katulad ng dati, pagkatapos ng klase
Lagi kang mayro'ng katabing nagsasabing
Huwag kang magkakamali
Palampasin ang sandali
Kailangan palagi positibo parati
Dapat maniwala ka na mayro'ng mangyayari
Oras na para gumawa ng panibagong
Orasyon na puwedeng kantahin ng mga gago
Tara, samahan niyo 'ko na muling maglibang
Para sa mga katulad mong nag-aalangan
Teka lang, 'di naman kailangang magmadali
Dapat lang siguro na huwag kang magpapahuli
Sapagkat ang oras natin ay may katapusan
Kailangan mong gamitin sa makabuluhan, pasok
Teka muna, teka muna, teka muna, teka
Katatapos ko lang isulat ang mga letra
Hampasin ang tambol at kaskasin ang gitara
Kasama muli pinakamalupit na banda
Pero ngayon ay babaguhin ang tema
Ito'y awit na sasaludo sa mga nauna
Musikero, gitarero, tambulerong magaling
Kahit kaninong itapat, sa'n pang labanan, angat pa rin, chorus
Nandito na naman kami
Nagkakantahan sa isang tabi
Katulad ng dati, pagkatapos ng klase
Lagi kang mayro'ng katabing nagsasabing
Huwag kang magkakamali
Palampasin ang sandali
Kailangan palagi positibo parati
Dapat maniwala ka na mayro'ng mangyayari
Nagsimula kami ng mga '93
Mga batang 'di mapigil sa pagpursigi
Mga batang 'di maawat ng mga hadlang
Sapagkat sila'y nakatingin sa pupuntahan
Namulat sa Heads at kay Sir Magalona
Alam ko sa loob ko na nagsisimula na
Sila ang nag-supply at naglagay ng gasolina
Si Kiko kay Gloc, at ang E-heads sa Parokya
Ibang klase ang Pinoy pag dumating na sa tugtugan
Nagyuyugyugan, siguradong 'di ka magtutulog-tulugan
Pag narinig mo ang bagong gawa ni Chito at ni Gloc
Kung ika'y sa 'min sumasang-ayon ay pumalakpak nang malakas
Itaas ang kamay, sumigaw
Para sa tatlong bituin at isang araw
Mga bata rin kami at katulad ng iba
Tagahanga rin kami ng mga kanta nila, ayos
Nandito na naman kami
Nagkakantahan sa isang tabi
Katulad ng dati, pagkatapos ng klase
Lagi kang mayro'ng katabing nagsasabing
Huwag kang magkakamali
Palampasin ang sandali
Kailangan palagi positibo parati
Dapat maniwala ka na mayro'ng mangyayari
Ang gusto lamang naming sabihin, pangarap ay laging habulin
Kahit na kinakapos ang hininga mo'y pigilin
Initin natin ang kalan para tubig kumulo
Kailangan timbain ang poso para balde mapuno
'Wag kang magpapabola sa iba, hindi 'to madali
Kung mayro'ng gusto, pare, huwag kang magmadali
Tatama ka rin kahit medyo puro mali
Ipunin lahat ng piraso kahit na hati-hati
Kasi isa lang ang tatandaan
Walang nakaharang na 'di kayang lampasan
Para 'di ka mahuli, kailangan mong paspasan
Lagi mo patalimin, ikaskas sa hasaan ang kutsilyo
Martilyo ang kailangan
Para palubugin lagi ang pako
Ikutin ang antenna kung TV ay malabo
Huwag kang matakot na tumaya ng pati pato, kanta na
Nandito na naman kami
Nagkakantahan sa isang tabi
Katulad ng dati, pagkatapos ng klase
Lagi kang mayro'ng katabing nagsasabing
Huwag kang magkakamali
Palampasin ang sandali
Kailangan palagi positibo parati
Dapat maniwala ka na mayro'ng mangyayari