Skip to content

Sige Lang, Kapatid

KDR Music House
Popularity · Low

Listen

YouTube

0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced

Lyrics

I Aking nakikita lungkot sa iyong mata Nararamdaman ko bigat ng yong dala Mga munting hikbi at patak ng luha Kapatid, alam kong ika'y may problema II Di mo man sabihin ang iyong tiisin Di man bigkasin laman ng damdamin Kahit na hindi ka laging dumadaing Batid ko ang bigat ng yong dalahin CHORUS Sige lang, kapatid, h'wag kang mahihiya Sa aking balikat, ipatak ang luha Sasamahan kita hanggang magagawa Tatawag sa Ama, hihingi ng awa III H'wag mong lilimutin, Ama'y mahabagin Lahat ng mabuti, iniukol sa atin Siya'y nakikinig sa ating dalangin Kung tayo'y magkusa, magmasunurin CHORUS Sige lang, kapatid, h'wag kang mahihiya Sa aking balikat, ipatak ang luha Sasamahan kita hanggang magagawa Tatawag sa Ama, hihingi ng awa BRIDGE Kapatid, tandaan, di ka nag-iisa Ang una sa lahat, nariyan ang Ama Kasama si Hesus, ating sinisinta Di tayo iiwan sa gitna ng dusa CHORUS Sige lang, kapatid, h'wag kang mahihiya Sa aking balikat, ipatak ang luha Sasamahan kita hanggang magagawa Tatawag sa Ama, hihingi ng awa CODA Tatawag sa Ama, hihingi ng awa