Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Malabo
Juan Caoile
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Hindi ko na alam kung pa'no ka mapapaibig
Malayo't malabo, parang iyong paningin
Nakikita mo ba 'ko
Sa tuwing ako'y nagpapansin sa 'yo sa malayo?
Sinubukan ko pa na magpaguwapo
Alam mo na, nagbabaka-sakaling magka-"tayo"
Kaso lang, parang wala namang talab
'Di ko nga alam kung ramdam mo ba ang lahat
Ng mga kilos kong kakaiba
Dinaan ko halos sa gawa, hindi sa salita, yeah, yeah, yeah
Bahala na si Batman
Pero wait lang, ako ay nagulantang
No'ng aking malaman-laman, kaya pala
Iyong mata, malabo pa sa camera na pinaglumaan
Alam ko namang walang paraan
Para ako ay matipuhan mo
Kahit magdasal sa kahit anong santo'y
Pagtingin mo sa 'kin, malabo
Hindi ko na alam kung pa'no ka mapapaibig
Malayo't malabo, parang iyong paningin
Puwede ko bang malaman kung puwede kang ligawan
Kung puwede ka bang ingatan at puwede kang ipaglaban?
'Wag mo naman tawanan, dinadaan ko lang sa biruan
Kasi baka naman, ako'y mapahiya lang
Pero ang totoo, gusto ko na mapasa'yo
'Di mo masyadong kita 'to kasi malabo'ng mata mo
Sa ganda mo, malabo na magustuhan ako
Kaya kailangan kong ipadama sa 'yo
Kaso malabo'ng iyong mata, malabong makita'ng aking halaga
Kaya oo, malabo magkaro'n ng tayo, kahit magpaguwapo ay balewala
Masaya na 'kong nakita kita, pero mas sumaya na kasama ko pa
Abot-kamay ko ang langit, ako ay naakit sa tinataglay mong ganda
Pa'no kita magagawa na sungkitin?
At kung kasingtaas ka rin ng bituin, yeah
Pa'no mo nga naman ako mapapansin
Kung pati puso mong malabo ay wala pang salamin?
Alam ko namang walang paraan
Para ako ay matipuhan mo
Kahit magdasal sa kahit anong santo'y
Pagtingin mo sa 'kin, malabo
Hindi ko na alam kung pa'no ka mapapaibig
Malayo't malabo, parang iyong paningin
Alam ko namang walang paraan
Para ako ay matipuhan mo
Kahit magdasal sa kahit anong santo'y
Pagtingin mo sa 'kin, malabo
Hindi ko na alam kung pa'no ka mapapaibig
Malayo't malabo, parang iyong paningin
Malabong-malabo, parang iyong paningin
Malabong magka-"tayo", parang iyong paningin