Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
pwede bang sabihin mo?
Ian Quiruz
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Kung hindi ngayon ay kailan ba?
Ibibigay ang matamis mong oo
Sabihin mo, ano ang gagawin?
Para matawagan na ng pansin
Ang tamis ng 'yong pagtingin
Bumibigay sa bawat ngiti ng labi mo
Rinig ko ang kaba nitong dibdib
'Di ko na kaya ang mag-isa
Halika na, tayo lang dal'wa
At kung kailangan pa na gumugol ng panahon
Hindi naman mawawala
Oh, pwede ba na mangyari na'ng araw na 'yon?
Pwede bang marinig ko na'ng pinakahihintay na tugon?
Pwede ba? Pwede ba? Pwede ba?
Pwede bang sabihin mo kung pwede ba?
Ilang gabi na ring 'di makatulog kakaisip
Palagi kang laman ng gunita
Ano ba'ng nakain ko kagabi?
Gumamela at paruparong puti
At kung alanganin pa ang lagay ng panahon
Alam kung sa'n napupunta
Oh, pwede ba na mangyari na'ng araw na 'yon?
Pwede bang marinig ko na'ng pinakahihintay na tugon?
Pwede ba? Pwede ba? Pwede ba?
Pwede bang sabihin mo kung pwede ba?
(Makayakap ka at makapiling ka sa lahat ng sandali)
Pwede ba? (Ikaw ang maging depinisyon ng palagian kong pagngiti)
Pwede ba? Pwede ba? Pwede ba?
Pwede bang sabihin mo kung pwede ba?
(Makayakap ka at makapiling ka sa lahat ng sandali)
Pwede ba? (Ikaw ang maging depinisyon ng palagian kong pagngiti)
Pwede ba? Pwede ba? Pwede ba?
Pwede bang sabihin mo kung pwede ba?