Sa Panaginip
MarsMango
Popularity · Low
Listen
YouTube
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Gabi-gabi ako'y naglalakbay, dumadayo
Sa aking isip may isang lugar na nakatago
Mga Pinaglumaang alaala ng kahapon
Halo-halo, parang mga bagaheng di ko ma-itapon
Araw-araw tila yata, lutang na lutang
Nananaginip kahit di pa mataas ang buwan
Kailangan ko na yata magpatulong kay Marie Kondo
kasi naman laman ng kaisipan ko'y gulong-gulo
Sa panaginip, ako'y alipin.
Ikot-ikot nababalot ng kaligayahan
Ikot-ikot napapagod ano nang sunod
Puro kulay mga lobong hawak ng payaso
Mga sasakyang pambata ay tumigil na
Tuwi-tuwina aking naaalala
Sa init ng 'yong yakap ako ay nangungulila
Ayoko nang mabuhay sa aking mga kahapon,
tila yata napagiwanan na ako ng panahon.
Sa aking pag-gising, di na alipin.
Ikot-ikot nababalot ng kaligayahan
Ikot-ikot napapagod ano nang sunod
Puro kulay mga lobong hawak ng payaso
Mga sasakyang pambata ay tumigil na
Unti-unting nadarama
Unti-unting natatanaw
Sa paglipas ng gabi,
Sisikat din ang araw.
Unti-unting nadarama
Unti-unting natatanaw
Sa pagdilat ng mata,
'di na alipin ng alaala
Unti-unting nadarama
Unti-unting natatanaw
Sa paglipas ng gabi,
Sisikat din ang araw.
Unti-unting nadarama
Unti-unting natatanaw
Sa pagdilat ng mata,
'di na alipin ng alaala
woooohoooo