Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Habang Atin Ang Gabi
Jinky Vidal
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Sumapit man ang dilim
Hindi mangangamba
Magkakanlong sa dilim
Hindi nag-iisa dahil kapiling ka, oh
Lumalim man ang gabi
Hindi mahihimbing
Aabangan ang buwan
Habang binibilang ang mga bituin
Ang luha at dahas ng nagdaang umaga
Sa lambong ng gabing tila naglaho na
May luha at dahas sa darating na bukas
Ngunit habang gabi, walang mababakas, oh
Yakapin mo ako habang atin ang gabi
Habang atin ang mundo, oh
Paglipas ng magdamag
Hindi malulumbay
Dahil buong magdamag
Tayong dal'wa, sinta, nangarap nang sabay
Ang luha at dahas ng nagdaang umaga
Sa lambong ng gabing tila naglaho na
May luha at dahas sa darating na bukas
Ngunit habang gabi, walang mababakas, oh
Yakapin mo ako habang atin ang gabi
Yakapin mo ako habang atin ang mundo
Yakapin mo ako habang atin ang gabi
Habang atin ang mundo