Tamis sa Tubig Alat
Bullfrog Smoochie
Popularity · Low
Listen
YouTube
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Samyo ng hangin sa 'ting mga mukha
Pinong buhangin sa 'ting mga paa
Paglubog ng araw sa iyong mga mata
Pagdampi ng labi nating dalawa
Nananaginip na naman ako ng gising
Nananatiling kahibangan at pagkalasing
Magbalik ka na
Sa aking piling
Aawit sa saliw ng alon ng karagatan
Aawit sa tinig na dinig sa buong pampang
Pag-ibig sa tubig alat sumisingaw paakyat sa mga ulap
Handa 'kong hintayin ang ulan basta't kasama ka
May tumutugtog na namang musika
Naririnig ko tuwing naiisip ka
Napapangiti kahit nag-iisa
Bumalik ka na aking sinta
Aawit sa saliw ng alon ang karagatan
Aawit sa tinig na dinig sa buong pampang
Pag-ibig sa tubig alat sumisingaw paakyat sa mga ulap
Handa 'kong hintayin ang ulan basta't kasama ka
Naging paraiso ang buong isla mula ng dito kita'y nakilala
Nakaramdam ng hiwaga sa pag-ibig biglang tiwala
Tuluyan ko na ngang nalimutan mula pa noong nanghinayang
Sakit na dulot ng hiwalayan saksi ang karagatan
Paulit-ulit kong lalakarin daanang puti at pinong buhangin
Habang tanging iisiping babalik ka rin
Babalik ka rin
Parapapa parapapa
Parapapa parapapa
Pag-ibig sa tubig alat sumisingaw paakyat sa mga ulap
Handa 'kong hintayin ang ulan basta't kasama ka
Turutu turutu
Turutu turuturu
Turutu turutu