Mahal Na Mahal
Popularity · Low
Listen
YouTube
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Mahal na mahal mahal na mahal kita aahh
Mahal na mahal kita sana ay marinig mo ang ginawa kong kanta
Para sayo ang pag ibig ko
Wag mo sanang kalimutan nandito lang ako para sayo
Nung ikaw ay makilala ko di ko alam ang nadama
Biglang tumibok ang puso na parang my kaba
Hindi ko rin alam kung pano sasabihin kung ano
Ang nakita ko sayo parang pinana mo ang puso
At hindi rin mapigilan ang pag iisip sayo
Mapa araw o gabi hindi na ko mapakale
Ikaw ay nasa panaginip magkahawak ang kamay
Yayakapin ka ng mahigpit hindi maghihiwalay
Habang iniisip ang pagkakataong ito na kasama
Ang aking mahal dito sa tabi ko at wala ng
Magbabago satin kahit tumagal ang taon at
Panahon mananatili kang sa akin at ako'y sa iyo
Iyan ang iyong tatandaan sinisisgaw ng puso ko
Na tayo'y magpakailanman
Magsasama sa buhay sa ginhawa o sa hirap
Ang lahat ay gagawin upang matupad ating pangarap
Mahal na mahal kita sana ay marinig mo ang ginawa kong kanta
Para sayo ang pag ibig ko
Wag mo sanang kalimutan nandito lang ako para sayo
Ang pagmamahal ko sayo kailan ma'y hindi to masusukat
Eto ang liham ko sayo at sana mabasa ang aking sulat
Isa man ang pahina sagad naman at nag-aalab
Walong rima ng pagibig na mula sa puso ko kinalap
Eto ang mga sumusunod na nadarama kapag andyan ka
Ang makita ka buo na araw ko at masaya na
Sa tuwing tayong dalawa ay magkikita't mag kasama
Ako'y kontento na kahit di na umalis at mag gala pa
Ngayon ipagtatapat sayo hindi ko kayang mawala ka
Dahil sayo lang binuo ang mundo ko maniwala ka sana
Tanging hinangad ay mahalin ka pagsilbihan at mahagkan ka
Yan lang ang gustong gawin hanggang ako ay mawala na
Halika sa akin at sumama damahin ang luha ko pag wala ka
Wag na wag mong lilisanin dahil hindi ko ito makakaya
Isa nalang bago tapusin tumabi ka sakin may sasabihin
Girl mahal na mahal kita yan ang sigaw nitong damdamin
Mahal na mahal kita sana ay marinig mo ang ginawa kong kanta
Para sayo ang pag ibig ko
Wag mo sanang kalimutan nandito lang ako para sayo
Paulit-ulit kong sasabihin na mahal kita
At makikita mo ito saking mga mata
Ikaw lang ang mahalaga para sa akin
Dahil ang katulad mong pumukaw saking damdamin
Di ko akalain na mamahalin mo din ako
Dahil alam ko na hindi tayo pareho
Simpleng tao lang ako na nagmamahal sayo
At umaasa na hindi maglaho ang pag ibig mo
Mahal kita alam mo yan at walang iba
Dito sa puso ko ikaw lang ang nakadikta
Wala na sanang magbago sating dalawa
At pinapangako ko ikaw lamang sinta
Pagmamahalan natin na walang katapusan
Umasa ka sa akin hindi kita pababayaan
Puso ko pag-ibig ko sa iyo ilalaan
Gagawin ko ang lahat para ito'y panindigan
Ikaw lang ang aking mamahalin pangako ko lagi kong sasambitin
Ang pangalan mo na nakaukit'sa damdamin ko
Kailan ma'y hindi mawawala ang pag mamahal sayo
Mahal na mahal kita sana ay marinig mo ang ginawa kong kanta
Para sayo ang pag ibig ko
Wag mo sanang kalimutan nandito lang ako para sayo
Para sayo
Mahal na mahal kita