Skip to content

Awit ng Panahon

Repablikan
Popularity · Low

Listen

YouTube

0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced

Lyrics

Nagdaan sa panahong isipan ko ay magulo Naranasan ko na rin ang mabigo, takot matalo Sa mga kalaban na gusto akong pabagsakin Naranasan ko na rin ang ulo ko ay hampasin Um-attack ang mga luha at natutong umiyak Naransan ko na rin ang puso ko ay mabiyak Nang iwanan ng asawa na kasama ang anak Pagkatapos kumanta nakatikim pa ng sapak Umiiyak kapag naaalala ko ang nagdaan Nangangarap balang araw na sa'kin palagdaan Ng aking mga tagahanga ang CD mula sa akin Habang hawak ang larawan na'ng sigaw pangalan namin Marami na rin ang mga napalapit sa amin Ang iba'y naging mabuti, ang iba ay patawarin nawa Gano'n pa man, sumama ka sa'kin ngayon Halika na't awitin natin ang awit ng panahon Ga'no man maging kahirap ang pag-abot ng pangarap Matutupad lahat ng 'yan basta manalig ka 'Wag na 'wag susuko, patuloy kang lumaban Magagawa mo 'yan pagdating ng panahon Panahon na nagdaan, halika't ating simulan Halika't ating balikan ang mga nakaraan Kung saan ay naranasan kong matalo't mabigo Mga daan na nagbigay, 'tsong, ay biglang bumaliko Halos 'di makawala sa mga problema na pasan Tila babarag sa akin ang mundo'y nakadagan Halos wala nang kaibigan kun'di bote lang at alak Mga dugo sa kamao sa mga poste ay nagkalat Para bang buong mundo ang aking mga kaaway Kinakausap ang sarili at nagsasayang ng laway Dinadamay ang sarili sa'king nararamdaman Nagtatanong-tanong kung ano pa bang kakulangan Ang talentong binigay ang ginawa kong paraan Salamat sa'ting Maykapal na nagsilbi kong daan At hindi ako sumuko ang lahat ay tinugon Halika na't awitin natin ang awit ng panahon Ga'no man maging kahirap ang pag-abot ng pangarap Matutupad lahat ng 'yan basta manalig ka 'Wag na 'wag susuko, patuloy kang lumaban Magagawa mo 'yan pagdating ng panahon Mula no'ng pagkabata, simula no'ng matutunan kong sumulat Pinangarap balang araw na ako'y maging katulad Ng sikat na iniidolo, kaya pinipilit kong Isulat at sabihin ang lahat ng iniisip ko na tema Alam kong masarap sa mga tenga ng mga makikinig Pangalan ko naging pruweba Nakilala ng marami, hinangaan sa pag-awit Marami ang umidolo, marami ding nagalit Na hindi ko talaga alam kung anong dahilan Buti na lang ay mas maraming gusto pa akong kampihan Patuloy sa'king paghakbang sa pagtupad ko ng layunin Ga'no man kalayo ay nagagawa ko pang dayuhin Para matupad ko ang pangarap ko no'ng umpisa Sa tulong ng Panginoon, kabilang na 'ko sa isa Na kahit pano'y nakilala at naririnig ngayon Samahan mo 'ko sa pag-awit ng awit ng panahon Ga'no man maging kahirap ang pag-abot ng pangarap Matutupad lahat ng 'yan basta manalig ka 'Wag na 'wag susuko, patuloy kang lumaban Magagawa mo 'yan pagdating ng panahon