Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
paro paro sa loob ng garapon
157, drmfy
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Nilagay ko sa loob ng garapon
Ang aking mga paruparo
Katabi ng mga alitaptap
Na lumiliwanag sa dilim
Ginuhit ko ang 'yong larawan
Sa likod ng kuwaderno
Sa ilalim ng tulang 'di ko maintindihan
At 'di ko rin alam kung ano ang talagang ibig sabihin
Lalagpas ang nararamdaman
Sa mga hangganan ng salita
Lalabas sa pusong kinandado
Ng isip na nanghuhula
Ako'y ligtas sa loob ng puting mga pader
Pero minsan, nakakatakot mag-isa
Isang araw, pagkatapos umulan
May pangalang naisulat
At kung paano ka magsalita
Ang tenga'y kinikiliti
Ang pakiramdam ay 'di ko mahambing
Nahuli mong nangangarap nang gising
Lalagpas ang nararamdaman
Sa mga hangganan ng salita
Lalabas sa pusong kinandado
Ng isip na nanghuhula
Lalagpas ang nararamdaman
Sa mga hangganan ng salita
Lalabas sa pusong kinandado
Ng isip na nanghuhula
Aapaw na ang mga paruparo
Dadapo ba sa rosas ko?
Bubuksan ko na ba ang aking garapon?
Papakawalan o manghuhula na lang?
Nagpupumilit lumabas ang ngiti
Na 'di ko pinapayagan
Kaya nilagyan ko ng takip ang bibig
Na naghahanap ng mga salita
Ang daming detalye na nais kong malaman
Ngayon, hanggang hula na lang
Hanggang hula na lang