Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Subukan Mo
Andrea Badinas
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Kaibigan, naranasan mo na ba nang masaktan?
Pilit na sinasabi sa sarili na ayos lang
Minsan ba'y natanong, napaisip kung ano na
Pero wala naman talaga tayong magawa
Alam mo ba na may nagmamahal sa 'yo?
Kaya Niyang ayusin ang buhay pati ang puso mo
Hindi ako, hindi siya, hindi sila
Saan nga ba makikita ang tunay na pagmamahal?
Subukan mong humingi ng tulong
Sa Panginoong Hesus na Siyang nagdadala
Ng panghabang-buhay na kapayapaan sa puso't isip mo
Hinding-hindi ka Niya mabibigo, oh
Subukan mo
Subukan mo, oh, oh
Kaibigan, naranasan mo na ba na makita
Ang mga pangarap mo na nawala nang parang bula?
Hanggang sa masabi sa sarili na sumuko na
Dahil kahit ano'ng gawin ay may kulang pa
Alam mo ba na may nagmamahal sa 'yo?
Oh, kay ganda ng plano Niya sa buhay at kinabukasan mo
Hindi ako, hindi siya, hindi sila
Saan nga ba makikita ang tunay na pag-asa?
Subukan mong humingi ng tulong
Sa Panginoong Hesus na Siyang nagdadala
Ng panghabang-buhay na kapayapaan sa puso't isip mo
Hinding-hindi ka Niya mabibigo
Subukan mong humingi ng tulong
Sa Panginoong Hesus na Siyang nagdadala
Ng panghabang-buhay na kapayapaan sa puso't isip mo
Hinding-hindi ka Niya mabibigo
Subukan mong humingi ng tulong
Sa Panginoong Hesus na Siyang nagdadala
(Ng panghabang-buhay na) kapayapaan sa puso't isip mo
Hinding-hindi ka Niya mabibigo