Skip to content

Kahanga-hanga Ka Maria

ICMAS Choir
Popularity · Low

Listen

YouTube

0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced

Lyrics

Kahanga-hanga ka Maria Bukod kang pinagpala Kadakilaan ng Diyos Sa buhay mo ay nahahayag Gabayan kami ng 'yong Maka-Inang paglingap Sa pagtulad Kay Hesus na 'yong Anak No'ng una palang Itinangi ka na Sa Anak ng D'yos Ikaw ang magdadala Niloob mong maganap Ang kalooban ng Ama O Birheng kaaya-aya Kahanga-hanga ka Maria Bukod kang pinagpala Kadakilaan ng Diyos Sa buhay mo ay nahahayag Gabayan kami ng 'yong Maka-Inang paglingap Sa pagtulad Kay Hesus na 'yong Anak No'ng una palang Itinangi Mo sya Bilang iyong yaman At 'yong kagalakan Si Hesus ay 'yong sinundan At minahal mong lubusan O Birhen at Inang mapag-mahal Kahanga-hanga ka Maria Bukod kang pinagpala Kadakilaan ng Diyos Sa buhay mo ay nahahayag Gabayan kami ng 'yong Maka-Inang paglingap Sa pagtulad Kay Hesus na 'yong Anak Sa kanyang krus sa kalbaryo Nagdurugo ang 'yong puso Tumatangis kang nanatili sa kanyang paanan Lakas loob mong sinaksihan Ang pagsasakatuparan Ng wagas Niyang pag-ibig sa tanan Kahanga-hanga ka Maria Bukod kang pinagpala Kadakilaan ng Diyos Sa buhay mo ay nahahayag Gabayan kami ng 'yong Maka-Inang paglingap Sa pagtulad Kay Hesus na 'yong Anak Sa pagkabuhay N'yang muli Lumbay mo ay napawi Napuspos ng kagalakan Ang 'yong kalooban Sa huling yugto ng 'yong buhay Nahayag ang kaningningan Ng katapatan N'ya't lugod Sa iyong pagsunod Kahanga-hanga ka Maria Bukod kang pinagpala Kadakilaan ng Diyos Sa buhay mo ay nahahayag Gabayan kami ng 'yong Maka-Inang paglingap Sa pagtulad Kay Hesus na 'yong Anak Kahanga-hanga ka Maria Sa pagtulad kay Hesus na 'yong Anak