Skip to content

Pastulan

Nero
Popularity · Low

Listen

YouTube

0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced

Lyrics

Para to sa salinlahi na nagkakaubusan Kaninong braso ang kelangan para lang mabunuan Anong sumusunod sa kalawakan? marahil... baka yun ang "kawalan" Kayong tumutugong pasalamatan, sa dami ng mayrong karapatan Gayon kung totoong matatawaran, palagiang tanong "kabayaran" Baka lang nataong bumubulong na malasaha'y tinapay na may tinatagong palaman (Malamang...) Umupo ka ng diretso saking kwento makinig Ang pagmamahal nya eto, nirereto ang kilig Sa dami ng panulak ng bolero ay lingid Mabulunan sa imbentong puto seco sa bibig Dadanak ang luhang "kailangan ng pondo" Handa ba kayo magambag at abono? Pagkakatakutan hangganan na to ay Hadlang yan sa utak na dapat ay todo Habang gumaganda ang buhay umaasa ka na tunay ang lahat ng retokado Sa pamagat ng langit ay wala nang titulado Kung naniniwala lamang para makasigurado Doo'y kautusan na likas ang pagkatuso Buong katuruang taliwas sa pagkatuto Lopon at koponan ng mga templong nagkakurso Nauto nang magustuhan ang disenyong nauuso Nakakapanduga kapag nakakapanghula Birong nakatanim mula sakanilang nakakatawang lupa Kasama magpakabaluga yung mga nagbabalat na tupa Kalamidad ay nasa kabataan kaya nga ang tawag nila ay sakuna-kuna Kabilaan sa may kaliwa at kanan Nasa itaas at nasa (nasa) ibaba ng Langit may impyerno may demonyo may anghel At tayo ay nasa gitna ng nakatutok na baril Saming pastulan (braaa!) wag kalimutang (yaya! ) utang ito at upang iyo na mapagipunan (ya ya!) Saming pastulan (braaa!) pahintulutan (yaya! ) ang pagkalito kung babalik o kusang tatalikuran Sapagkat napakarami ng (Rami ng) mapagsamantala at mapanlinlang Ang ilan sa kaaningan at kapraningan Nahibang sa kabaliwan handang malibang Malian tama palitan at ang kanilang Dahilan ay kasabihang nakagawian Gamit nalalaman na pamahiin na alam at Makikita sa aklat kaibigan na tapat Kanyang pakilala bagamat hindi paba sapat Ang akala't hinala para pag isipan ang lahat Masama at bawal ang bagay na napakasarap Sa bawat kagat ay damang dama sa may balat Wala pang ganap, sapagkat lahat nagpapanggap Nangahas sa panlabas sawang sawa na magbalat Malabo malilinawan patago ay lilitaw Mata sa mata hanggang ako ay maging ikaw Madala sa pananaw ay kusa ka na bibitaw Pagkat walang mawawala, mas lalo lang maliligaw Ang mga to sa anak at apo na Ang namana lamang ay dala-dala na trauma Pasa-pasa mga haka-haka at teorya Mga kataka-taka mga gawa gawa na storya Ang mga narinig sa may sabi sabi ay sadya para magdalawa utak ng mga tao At para makinig pa sa kabi-kabila nang naglalabanang mga luma at tsaka bago Kaya sa paniniwala na iba iba ay nagaaway lamang ang bukas tsaka sarado Pagkat wala ring tiwala sa isat isa, kaya nagaalalay sa bulag ay mga aso Kabilaan sa may kaliwa at kanan Nasa itaas at nasa (nasa) ibaba ng Langit may impyerno may demonyo may anghel At tayo ay nasa gitna ng nakatutok na baril Saming pastulan (braaa!) wag kalimutang (yaya! ) utang ito at upang iyo na mapagipunan (ya ya!) Saming pastulan (braaa!) pahintulutan (yaya! ) ang pagkalito kung babalik o kusang tatalikuran Bawat bala ay patungo sa Mga bata na matandang nakakulong pa Kawalan na pakawala san na pupunta Nawala mga nawala san napupunta Syang katanungan ay syang kasagutan Para pagbuksan ang nasaraduhan Hanggang sa kung saan kahahantungan Hangganang nagmula dyan ang katapusan Mala lagusan daang papasukan Lahat ay bulgar walang tataguan Ang sangkatauhan at sangkahayupan At yang mga tupa na nasa pastulan Kristo, Allah, Vishnu, Brahma Anito, Baal, andito pa nga ba? Tingin mo Gaara sa pintong gawa sa Gitnong payapa'y ehipto Sahara? At sino ka ba sa pagpapakatao Paghinulma ka ng mga nagawa mo Nasa nitso lang ang ikatutuwa ng tao Pagkat nobyong kasiyahan ay katotohanang balo