Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Panandalian
Sweeney Banac
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
'Di ko akalaing magiging ganito
Sabik ang puso at ikaw ang hanap ko
Sa pagdating ng bawat araw ay lalo pang lumilinaw
Na ikaw ang pag-ibig
Maaari bang limutin ang lahat?
Mawala sa paraisong ikaw at ako lamang
Lilisanin ang balakid, 'di na kaya pang ilihim
Na ikaw ang pag-ibig
'Pagkat sa libo-libong pagkakataon
Kung saan walang tiyak ang panahon
Tanging bulong ng puso ko ang panghahawakan
Makapiling ka lamang kahit panandalian
Iwasan ma't sabihin sa aking damdamin
Ngunit kahit anong pilit pang isipin
Hindi sigurado ngunit bakit tama ang nadarama
Hawakan mo ang aking puso at mawala kahit panandalian
Hahamakin ang pagsubok ng mundo
Kahit sabihin man ng iba ay mali ito
Sa nadaramang hindi naman sadya pero parang tinadhana
Oh, bakit ba?
Umiikot ang paligid at damdamin
Ipilit man ngunit 'di kayang 'di ka isipin
'Di na sana susubukan ngunit sa iyong mata'y nawawala
Oh, bakit ba?
'Pagkat sa libo-libong pagkakataon
Kung saan walang tiyak ang panahon
Tanging bulong ng puso ko ang panghahawakan
Makapiling ka lamang kahit panandalian
Iwasan ma't sabihin sa aking damdamin
Ngunit kahit anong pilit pang isipin
Hindi sigurado ngunit bakit tama ang nadarama
Hawakan mo ang aking puso at mawala kahit panandalian
Kahit panandalian
'Pagkat sa libo-libong pagkakataon
Kung saan walang tiyak mula noon
Tanging nararamdaman sa 'yo ang panghahawakan
Makasama ka lamang kahit panandalian
Iwasan ma't sabihin sa aking damdamin
Alam kong hinding-hindi ka lilimutin
Walang sigurado ngunit bakit tama 'pag kasama ka
Hawakan mo at hayaan mong mahalin kita kahit panandalian
Kahit panandalian
Kahit, kahit sandali lang
Kahit, kahit sandali lang