Skip to content

Teka Lang

Jen Juanitez
Popularity · Low

Listen

YouTube

0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced

Lyrics

Sayang naman ang mga ngiti Na dumadapo sating labi Sa t'wing magkasama Dati-rati ang mga tingin Sa mga mata ay kay lalim Ngayon wala ng lambing Napako lahat ng mga pangako Sumuko na yata ang ating puso Teka lang naman 'Di ba natin kayang tingnan Teka lang naman Kung may’ron pa ring paraan Nabawasan man tayo ng kilig Pumipintig pa rin ang pag-ibig Bakit ganyan kapag nagkamali Kailangan ba magkunwari Ba’t ‘di na lang aminin Nag-iba ang panahon 'Di namalayan 'Di na katulad ng noon na dinadamayan 'Wag sanang isipin na 'di napansin Nagbagong damdamin ay nadama rin Teka teka nga lang Ako ba ang nagkulang Kung gayunman ay patawad na lamang 'Di sinasadya ang mga pangyayari Wala namang balak na ito ang manawari Dati naman magkatulad ng ugali Ngunit ngayon malaki na ang lamat Lagi na lang tayong magkasalungat Magkabila na ang ating daigdig At 'di makaabot sa puso ang pintig Tila matamlay at hindi na matibay Idaan na lang sa dami ng tagay Kung sabagay bawat dighay Ay katumbas ng pagibig na inalay Nasaan na ang banaag ng umaga Nasa dilim at wala ng halaga Maliwanag nakabitag Na ang puso at pumapalag Hayaan nang mag-isa Magbalik sa umpisa Teka lang sandali 'Di ito madali Teka lang sandali Baka ito na ang huli