Palabas
Popularity · Low
Listen
YouTube
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
nandito ako sa labas gumagawang daanan palabas
sa buhay na puro lang palabas
madalas na madulas normal yan pag ang ruta pataas
wag kang mauubusan ng lakas
daming parating na hamon di na gaya ng kahapon
na merong ma-aasahan ang sarili sa paglamon
sa plano ko nag pag-ahon sana nama'y sumang-ayon
ang bathala sa taas kung di man sige padayon
patibayin ang sarili, pagkat ikaw ang siyang haligi
sa tahanan na naka-abang sayong sarili,
walang masama sa pag galaw nang patago
gulatin mo lahat sila lumabas ka ng malago
sa mabuting paraan suliranin palagan
gamit ang yong kamalayan kahirapan kalagan
di pwedeng di talaban normal lang makaramdam
ng puot at kalungkutan ang gaya mong palaban
palag palag sa buhay ikaw ang magpatunay
sayong paligid na ang mundo natin ay makulay
pag-ibig lang ang tunay sa ating pagkabuhay
kapag wala ka non para ka na ring nasa hukay
sanay na sa putik ang mga paa,
kagubatan na liblib baybaying walang kaba
anong nadarama mo tuwing nag-iisa?
malungkot o masaya o parang paralisa?
tama lang na pag-isipan mo ng maigi
bago ka bumigkas gamit ang yong labi
ayos lang magsisi wag kalang manisi
pagkat lahat ng yan sayo nakadepende
anuman ang desisyon ay naiipon ang bakas
may aral at leksyon sa mga sitwasyong danas
iba't ibang misyon sa pagpili ng landas
kanya-kanyang direksyon sa sariling palabas
may iba na patakas, may ilan ding nakatago
tila tumatak ang mga pilat ng kahapon
imbis na lumakas ay mas naging ilag sa hamon
kaya di na maharap pa ang mga kinakatakot
may ilang di na umabot.. pakiramdam ay may mali sa kabanata parang malas at sawi
silang di na kinaya ang bigat ng pighati at mas pinili na lang na ang wakas ay mapadali
mga namayapang di na sana masundan
may kaybigan at tahanan malakas man ang ulan
palaging paalala na may matatakbuhan
at sa sinumang kasama, sana malabas mo yan
hirap mapag-isa na parang katatakutan
maibsan nawa ng tawa, ang iyak ay mapunan
para wala nang masama pa na kahantungan
ang mga nakatagong drama na syang dapat aksyunan, palabas..