Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Ikaw at Linggo
Eamarie Gilayo
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Gumigising sa 'yong ganda tuwing Linggo ng umaga
Almusal ko'y pananatili sa higpit ng iyong mga bisig
Sa ilalim ng isang kumot, ikaw ang aking pahinga
Ooh-ooh-ooh-ooh
Ang pangako ng bukas at alaala ng kahapon
Ay 'di hihigit sa ligaya ng Linggo
Dahil sa araw na ito, nandito ka sa piling ko
Hinding-hindi lilisan, umaraw man o bumagyo
Sa araw na ito, sa langit tayo sabay nangako
Oras, buwan, at taon, pipiliin ko'y ikaw at Linggo
Bubuksan ang lumang radyo, mananalangin ang APO
May 'di masabi si Ric Segreto, tawad hihingin ni Rico Puno
Panlinggong mga awiting 'di kukupas gaya ng pag-ibig sa 'yo
Ooh-ooh-ooh-ooh
Ang pangako ng bukas at alaala ng kahapon
Ay 'di hihigit sa ligaya ng Linggo
Dahil sa araw na ito, nandito ka sa piling ko
Hinding-hindi lilisan, umaraw man o bumagyo
Sa araw na ito, sa langit tayo sabay nangako
Oras, buwan, at taon, pipiliin ko'y ikaw at Linggo
Isang Linggo sa buwan ng Hunyo, sa loob nitong puting kuwarto
Sa tulog mong kay himbing, ika'y 'di na nagising
Sa araw ng Linggo, ako pala'y iiwan mo
Sa iyong dinaramdam, tuluyan kang sumuko
Sa araw ng Linggo, sa langit na ang iyong tungo
Oras, buwan, at taon, ito na ang huli nating Linggo
Ikaw at Linggo, ikaw at Linggo
Mananatili ka sa aking puso
Ikaw at Linggo, ikaw at Linggo
Sa kahuli-hulihang paghinga, ikaw pa rin ang pahinga
Isasara na ang lumang radyo, mananalangi't magsusumamo
Sa tulong na 'yong hiningi, patawad kung hindi ko nadinig
Magigising sa 'yong alaala tuwing Linggo ng umaga
Sa ilalim ng ating kumot, masasanay ring mag-isa