Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Salamin
Carmelle Safdie
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Naiisip naging aking kapalaran
Ba't hindi ikaw ang siyang itinadhanang
Makasama kong ang yaring puso ay ikaw ang laman
Kahit na may iba nang kapiling sa buhay
Puso'y nais malaman kung ang isang bagay
Ay nangyari lamang sa ibang paraan
Paano nga kaya? (Paano?)
Kung noo'y pinili kita (oh, pinili)
Oras ma'y (oras ma'y), magbabago ba?
(Kung hindi ba), kung hindi ba naging kami ng
Aking kasalukuyan, Ikaw kaya'ng makatuluyan?
Salamin, salamin, ipakita sa akin
Kung sino ba'ng nararapat kong ibigin?
Salamin, salamin, pakiusap dinggin
Sabihin mo ang nararapat sa akin
Salamin, salamin, ipakita sa akin
Kung sino bang nararapat kong ibigin?
Salamin, salamin nakikiusap na dinggin
Kung mapapalitan natin ang tadhana
Ako ba'y tutulungang ito'y itama
O sadyang hahayaang lumipas ang panahon sa wala
Ilang libong gabi kong pinagsisisihan
Kay tagal ko rin 'tong pinag-iisipan
Tama nga bang sundan natin ang nakaraan?
Paano nga kaya? (Paano?)
Kung noo'y pinili kita (oh, pinili)
Puso ba'y (puso ba'y), magbabago pa?
(Kung 'di ba), kung hindi ba naging kami ng
Aking kasalukuyan, ikaw kaya'ng makatuluyan? (Oh-woah)
Salamin, salamin, ipakita sa akin
Kung sino ba'ng nararapat kong ibigin?
Salamin, salamin (oh, dinggin), pakiusap dinggin
(Sabihin), sabihin mo ang nararapat sa akin (oh-woah)
Salamin, salamin, ipakita sa akin
Kung sino ba'ng nararapat kong ibigin? (Hoo)
Salamin, salamin (salamin), pakiusap dinggin, woah-woah
(Sabihin mo), sabihin mo (sabihin mo), sabihin mo (sabihin mo), sabihin mo
Sino? (Oh, sino?), Oh, sino? (Oh, sino?)
Oh-woah, sino? (Oh, sino?)
Salamin, salamin, pakiusap dinggin
(Sino?), Kung sino ba'ng nararapat kong ibigin?
Salamin, salamin, makikiusap na dinggin (makikiusap na dinggin)
Paano nga kaya, kung pinili kita?