Dyahe
Ilaya
Popularity · Low
Listen
YouTube
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Verse I:
Hindi ako pwedeng makatulog ng ganito
Ni wala akong masulat na kanta para sa’yo
Paano ba ilalahad 'tong nararamdaman ko?
Paano ba, paano na
Hindi ako pwedeng makatulog sa gabing ito
Nalulungkot, nalilito sa mga emosyon ko
Maliit na bagay ikinakagalit ko
Paano ba, paano na
Chorus:
Pero bakit ba kasi nalimutan mong magsabi
Ako tuloy ngayon ang nadyadyahe
Hindi ka pa naman okay
Nataon ding ako’y hindi
Paano na, paano na
Verse II:
Hindi naman pwedeng pahabain ang gabing ito
Gusto kitang kausapin pero tinulugan mo ako
Ano pa nga ba ang inaasahan ko?
Ano pa nga ba ako sa’yo?
Pwede bang ibalik ang pagkakamali mo
Nababalisa, umiikot ang paningin ko
Naalala ng paulit-ulit ang kasalanan mo
Ano na ang gagawin ko?
Chorus:
Pero bakit ba kasi nalimutan mong magsabi
Ako tuloy ngayon ang nadyadyahe
Hindi ka pa naman okay
Nataon ding ako’y hindi
Paano na, paano na
Bridge:
Buti ka pa, nakakatulog
Buti ka pa, nakakaidlip
Buti ka pa pero paano ako?
Madaling-araw na
Eyebags ko ay mulat na
Pero wala pa ring “mahal kita”
Chorus:
Oh bakit ba kasi nalimutan mong magsabi?
Ako tuloy ngayon ang nadyadyahe
Hindi ka pa naman okay
Nataon ding ako’y hindi
Paano na, paano na
Paano na, paano na