Skip to content

TAIMTIM

Popularity · Low

Listen

YouTube

0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced

Lyrics

Iba na ako ngayon hindi na tulad dati. Daming nakaka kilala daming bumabati. Mena-materialize kolang ang dating sinasabi. Laging galingan molang at lumingon palagi. Dahil makaka pulot parin ng kayamanan. Sa dati kong mga mali at pinag dadaanan. Meron man mga sukli ang aking naiwan Kung ano ang daladala ay aking iingatan. Salamat, sa mga taong na ngungutya. Salamat at dito mo narin ako dinala. Salamat sa dalangin at kasama sa baba. Kayo ang pahinga pag ako ay na wawala. Meron din mga bigat ang gusto kumawala. Habang tumatanda natutong bumalewala. Tigas ng ulo pag nag kamali gusto umisa pa. Yan ang aking katangian na hindi na dadala. Kwento ng buhay ko ay di malayo sa iba Parehas tayo gusto ko lang din sumaya Gusto ko lang ding, maranasan, na yumaman Malunasan, kahirapan, maiwasang, malipasan Gusto ko sa tahimik, ayoko sa maingay Habang sila puro karne ako purga sa gulay Marunong makibagay, Kahit magkaiba Pananaw at pandama na gamit natin pangkapa Pasensya na kaibigan kung dimo maibigan Itong tunog na naibigan ng aking kaibigan Gusto nya lang subukan maging kakaiba Lalo na sa panahon ngayon lahat magkamukha Buti nalang may sarili na galaw Imbis na makisali mas piniling tumanaw Tanong nila sa akin gudds pano maging ikaw Sagot ko lang kaibigan manatili kang ikaw