Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Sulat Mo Sa Hangin
Lee Oliveros
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
YouTube
Searching YouTube...
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Tila yata kay bilis naman'g limutin ang nakaraan
Kay bilis mong nilimot ang ating sumpaan
Ako ba sayo'y nagkasala?
Ikaw ba'y pinabayaan?
Tingin ko'y hindi naman
Sayo'y di nagkulang
Ipinangako sa sarili na
Ika'y di magkakaron ng kahit konting dahilan
Upang ako'y iyong iwanan
Paulit-ulit na nagtatanong itong aking puso
Ako ba ang siyang nagkamali
Upang ako'y talikuran mo?
Lahat ng pangakong binitawan mo'y nauwi sa kawalan
Tila isinulat mo sa hangin at
Sandali ko lamang na naramdaman
Mga pangarap na naiukit ay kay bilis na nabura
Mga pangako ng panulat ay naubusan ng tinta
Bawat papel ng ating kahapon
Lahat ay nangalukot na
At ang kwento ng pag-ibig natin ay natapos na
Paulit-ulit na nagtatanong itong aking puso
Ako ba ang siyang nagkamali
Upang ako'y talikuran mo?
Lahat ng pangakong binitawan mo'y nauwi sa kawalan
Tila isinulat mo sa hangin at
Sandali ko lamang na naramdaman