Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Huling Sandali (Rock Version)
The Ultimate Heroes
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Hindi mapigil ang bugso ng aking puso
Sa tuwing ako'y papalapit sa'yo
Maaari bang hingin ang iyong kamay
Hawakan mo't 'wag mong bitawan
Hindi mapigil ang tibok ng aking puso
Sa tuwing ako'y nakatingin sa'yo
Maaari bang huwag kang humiwalay
Dahil sandali na lang
Darating din ang gabing walang pipigil sa 'tin
Kung hindi ngayon aasa bang maibabalik ang kahapon
Kahit sandali palayain ang pusong 'di mapigil
Sana'y tayong dal'wa
Sa huling pagkakataon
Na ika'y magiging akin
Hindi matigil ang gulo sa aking isip
At para bang walang kasing sakit
Alaala mong hindi ko malimutan
Oras lang ang may alam
Kung darating din ang gabing walang pipigil sa 'tin
Kung hindi ngayon aasa bang maibabalik ang kahapon
Kahit sandali palayain ang pusong 'di mapigil
Sana'y tayong dal'wa
Sa huling pagkakataon
Na hindi na para sa 'tin
At sa bawat minuto ako'y 'di natuto
Ipilit mang iba ako'y maghihintay sa'yo
Ikaw ang aking kapiling sa huling sandali
Kasalanan ba kung puso natin ang magwawagi
Kahit sandali palayain ang pusong 'di mapigil
Sana'y tayong dal'wa
Sa huling pagkakataon
Na hindi na para sa 'tin
Kahit sandali patawarin ang pusong 'di tumigil
Para sa'ting dal'wa
Ang maling pagkakataon
Na ika'y magiging akin