Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Pagmarka ng Maylikha
Tara Papuri
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Sabihin na nating ikaw ang dahilan
Kung bakit ako ay naghihintay
Ikaw ang dalangin sa aking himig
Kaya't ang puso ko'y umaawit
Dinala tayo ng liwanag dito
Upang makita na sang-ayon ang langit
Ang pag-marka ng Maylikha
Sa ating tadahana ay nagsimula na
Ikaw hanggang dulo
Walang magbabago
Hindi bibitawan
Ito ang takda ng pagmamahalan
Sa unang pahina ng ating istorya
Pag-ibig ang tangi nating sandigan
Isulat mo ang bawat pangako
Na i-uukit sa ating mga puso
Kung tayo ma'y subukin ng panahon
Muling babalik sa simula
Kung saan tayo unang nagkita
Sa lugar na hindi natin inasahan
Sabay tayong aawit
Sa Maylikhang nagtakda ng tadhana
Sabay tayong kakapit
Sa Maylikhang nagtakda ng tadhana
Magtitiwala
Maniniwala
Magtitiwala
Ikaw hanggang dulo (Ikaw hanggang dulo)
Walang magbabago (Walang magbabago)
Hindi bibitawan (Ako'y kakapit)
Ito ang takda ng pagmamahalan
Ikaw hanggang dulo (Ikaw hanggang dulo)
Walang magbabago (Walang magbabago)
Hindi bibitawan (Ako'y kakapit)
Ito ang takda ng pagmamahalan
Sabay tayong aawit
Sa Maylikhang nagtakda ng tadhana
Sabay tayong kakapit
Sa Maylikhang nagtakda ng tadhana
Magtitiwala
Maniniwala
Magtitiwala
Ikaw at ako
Ikaw at ako
Ikaw at ako hanggang dulo