Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Tuhod at Sahig
Rose $ Ria
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Kung may bigat na dala sa 'yong kalooban
Tila 'di na kayang malampasan
Minsa'y nalilito, walang masulingan
Puso'y lugmok sa kabalisahan
Sa mga pag-iisa ay nahihirapan
Tigib ng hinaing ang kalooban
Nawawalan ng pag-asa dito sa mundo
Naghahanap lingap at saklolo
Pumasok ka sa 'yong silid at kausapin
Ang Diyos ng pag-ibig ay sambahin
Ilapat mo ang 'yong pinto at manalangin
At ang pangalan Niya ay sambitin
Ang tuhod at sahig ay paglapatin
Bigkasin ng puso sa lihim
Doon 'pakilala, lahat mong panimdim
Sa Diyos na Maylalang ka dumaing
Kung lalapit, taglay pananampalataya
Nagsisising diwa, may pagluha
'Di ka mabibigo sa 'yong pagsamo
Mararamdaman sa iyong puso
Pumasok ka sa 'yong silid at kausapin
Ang Diyos ng pag-ibig ay sambahin
Ilapat mo ang 'yong pinto at manalangin
At ang pangalan Niya ay sambitin
Ang tuhod at sahig ay paglapatin
Bigkasin ng puso sa lihim
Doon 'pakilala, lahat mong panimdim
Sa Diyos na Maylalang ka dumaing
Ang tuhod at sahig, pagtagpuin
Saka ka dumaing, "Ama namin"