Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Awit ng Mga Naiwan
Mula sa Buwan
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Ang irog ko'y lumisan na 'di nagpaalam
Tila ibon papalayong lumipad
Ngayo'y nangungulila ang kaniyang dating tahanan
Pinangakuang tilag
Nasaan ang pag-ibig na minsa'y inialay
Sumpa niya'y tunay at wagas?
Pilit kong malimutin ang kanyang alaala
Sa bawat patak ng luha'y bumabalik siya
Pag-ibig niya'y nadarama (Nadarama)
Ang ihip na naririnig pa kahit na umiidlip na
Tinatawag ang ngalan ko sa tuwina
O' irog ko'y babalik ba? (Babalik ba?)
Laging nakikita't kinukunita
Kahit di na sadya
Larawan niya'y ipininta sa tuwina
Ahh
Hindi malilimutan ang aming sumpaan
Pumanaw man sa daigdig (Sa daigdig)
Saan ka man abutin, o ibong-waya
Pag-ibig ko'y iyong bitbit
Kung di na mababalik sa iyong tahanan
Pintuan ay 'di pipinid
Laging sasariwain ang kaniyang alaala
Na minsan mong inibig
Naghihintay