Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Handa Ako
Wilbert Ross
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Mga gabing malalim pa ang aking damdamin
Kaysa langit na kay dilim
Ayoko nang naisin na may makapansin
Bigat na sa 'kin lang, ngiting mapanlinlang
Lumayo ka na, ayaw lang na madamay pa
Kaya kong mag-isa
Handa, handa ka bang ibigin pa?
Ako ngayong walang saya
Ngayong nakita mong sira
Handa ka bang ibigin pa?
Tawagin ang pangalan ko, mahal
Kung pagtibok ng puso ay nagbabagal
'Wag mag-alinlangan lumapit, sumandal
Kailangan lang ng yakap na kayang magtagal
Handa, handa akong ibigin ka
'Di lang tuwing mayro'ng saya
Maging sa 'yong pag-iisa
Handa akong ibigin ka
Sana'y 'wag mapagod sa isip kong nalulunod
Magpahinga sa 'kin, sinta
Handa, handa akong ibigin ka
'Di lang tuwing mayro'ng saya
Maging sa 'yong pag-iisa
Handa akong ibigin ka