Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
TAHANAN
STELIZA
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Ngayong gabi
Ay nagkukubli
Ang pusong tila sabik sa piling mo
Nababahala pagkat
Nais kong ipaalala
Ang pagmamahal na sa'yo ko nadama
O kay tagal mo nang alam
Na ikaw ang minamahal ko
Ngunit alam mo bang
Higit pa roon ang ramdam ko
Pagkat giliw ikaw ang tahanan ko
Kaya ngayon ay dinggin mo
Oh ramdam mo rin ba?
Oh ramdam mo rin ba ang puso
Na kay tagal kong iningatan
Ngunit uhaw lang pala
Sa isang pag-ibig na
Di ko agad nakita
Tila panaginip ang bawat pintig
Puso'y nananabik
O giliw ko napagtanto mo ba
Na ikaw lang ang iibigin ko nang ganito
Ang awiting to ang magpapaalala sa'yo
Ikaw ang tahanan ko
Ikaw ang tahanan ko
Sa bawat hapdi at pagkakamali
Muntik nang mawala ang tiwala sa sarili
Sadya bang walang pag-asa ang pusong nag-iisa?
Lahat yan ay nabago nang makilala ka
Di tayo perpekto
Maraming liko liko
Ngunit pag-ibig nati'y hindi biro
At kahit ilang beses kong ulit ulitin sayo
Di na nagbibiro ang puso kong ito
Kaya ngayon ay dinggin mo
Oh ramdam mo rin ba?
Oh ramdam mo rin ba ang puso
Na kay tagal kong iningatan
Ngunit uhaw lang pala
Sa isang pag-ibig na
Di ko agad nakita
Tila panaginip ang bawat pintig
Puso'y nananabik
O giliw ko napagtanto mo ba
Na ikaw lang ang iibigin ko nang ganito
Ang awiting to ang magpapaalala sa'yo
Ikaw ang tahanan ko
Ikaw ang tahanan ko
Kaya ngayon ay pakinggan mo
Ang awiting nabuo
Mula sa labis na pagmamahal sa iyo
Kung darating man ang panahong ako'y
Mawawalay sa'yo
Ikaw pa rin ang pag-ibig na maaalala ko
Tila panaginip ang bawat pintig
Puso'y nananabik
Aaminin nang ikaw ang panalangin ko
Mahal kita at kung ito ang isa sa tanong ng iyong puso
Di ko naman itatanggi o giliw ko
Ikaw ang tahanan ko
Ikaw ang tahanan ko