Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Minsan
Eraserheads
Popularity · Very high
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Minsan sa may Kalayaan, tayo'y nagkatagpuan
May mga sariling gimik at kanya-kanyang hangad sa buhay
Sa ilalim ng iisang bubong, mga sikretong ibinubulong
Kahit na ano'ng mangyari, kahit na saan ka man patungo
Ngunit ngayon, kay bilis maglaho ng kahapon
Sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan
At kung sakaling gipitin ay laging iisipin
Na minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan
Minsan ay parang wala nang bukas sa buhay natin
Inuman hanggang sa magdamag na para bang tayo'y mauubusan
Sa ilalim ng bilog na buwan, mga tiyan nati'y walang laman
Ngunit kahit na walang pera, ang bawat gabi'y anong saya
Ngunit ngayon, kay bilis maglaho ng kahapon
Sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan
At kung sakaling gipitin ay laging iisipin
Na minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan
Minsan ay hindi mo na alam ang nangyayari
Kahit na ano'ng gawin, lahat ng bagay ay mayro'ng hangganan
Dahil ngayon, tayo ay nilimot ng kahapon
'Di na mapipilitang buhayin ang ating pinagsamahan
Ngunit kung sakaling mapadaan, baka ikaw ay aking tawagan
Dahil minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan