Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Isang Iglap
Johnoy Danao Kat Agarrado
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Nadungaw ko si tatay, nagtatanim ng palay
Umaasang ang butil ng pawis niya'y maging bigas
Ito namang si nanay, nag-aayos ng bahay
Ilang taong pinag-ipunan nang kami ay masilungan
Oh, kay ganda ng araw
Dito sa aming nayon, dama ko ang pag-ahon
Mula sa kahirapang aking kinamulatan
Tiwasay na pamumuhay, payapang isip ang taglay
Sagana ang bawat tahanan, sako-sako'ng ligaya
Oh, kay sarap ng buhay
Ngunit isang araw
Sa isang iglap, pinaghirapan mo'y 'di mo malalasap
Sa isang iglap, nabuwal ang mga puno at pangarap
Sa isang iglap, inanod ating magandang hinaharap
Sa isang iglap, pilay ang paa ng pag-unlad (ng pag-unlad)
Paano 'to nangyari? Wala man lang pasabi
Ano ang mangyayari? Paano na kami?
Nadungaw ko si tatay, akap-akap niya si nanay
Pira-pirasong damdaming 'di malaman ang gagawin
Sa isang iglap, pinaghirapan mo'y 'di mo malalasap
Pinaghirapan mo, hindi malalasap
Sa isang iglap, nabuwal ang mga puno at pangarap
Sa isang iglap, sa isang iglap
Sa isang iglap, inanod ating magandang hinaharap
Sa isang iglap, pilay ang paa ng pag-unlad
(Sa isang iglap) pa-pa-ra-pa, pa-ra-ra-ra, pa-ra-pa-ra, pa-pa-ra
(Sa isang iglap) pa-pa-ra-pa, pa-ra-ra-ra, pa-ra-pa-ra, pa-pa-ra