Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Pakiusap
J-King
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Sige, balikan ang alaala no'ng tayong dalawa pa'y magkasama
Turingan ay parang mag-asawa, 'di nagsawa, puro tawa
Puwede bang maibalik 'yung dati? 'Yung kasama ka parati
Sa pangarap kong napakarami, hindi ka puwedeng 'di kasali
Namali lang no'ng una, nag-umpisa sa duda
Pero 'di pala kaya 'pag sa 'kin ay nawala ka
Sana'y tanggapin mo pa rin
Pangakong iibahan at pupunan aking pagkukulang
Ayoko ng maulit na tayo'y ganito
Hindi ako sanay, wala ka sa tabi ko
Kaya nakikiusap kahit na mahirap
Na muli kitang mahagkan at aking mayakap, kaya
Sa 'yo ba ay mayro'ng nagmamay-ari?
Sa kaniya ba'y puwede kitang mabawi?
Kung wala ay nakikiusap ngayon
Na bigyan mo pa ng pagkakataon
Sa 'yo ba ay mayro'ng nagmamay-ari?
Sa kaniya ba'y puwede kitang mabawi?
Kung wala ay nakikiusap ngayon
Na bigyan mo pa ng pagkakataon
Ako'y nakikiusap sa iyo na maging buo sana
Ang dating masaya at masigla nating pagsasama
Kaya sana, sana, 'yun ang tangi kong hiling
Maghihintay ako hanggang ikaw ay dumating
Sa akin pangakong 'di na muli pang sasayangin
Pagkakataon na sa 'kin lang sana'y muling mapasa'kin
Kahit alam kong alanganin ay susugal pa rin ako
Bumalik ka lang sa akin at masabing ikaw at ako
Ako ikaw, ikaw at ako, muli pa sanang magkalapit
Ang magkalayo ang dating buo, ngayon ay pira-piraso
Kaya ito ako, nakikiusap kung puwede ka bang muling maging kahati?
At sana ikaw ay aking mabawi kung sakaliing walang nagmamay-ari
Sa 'yo ba ay mayro'ng nagmamay-ari?
Sa kaniya ba'y puwede kitang mabawi?
Kung wala ay nakikiusap ngayon
Na bigyan mo pa ng pagkakataon
Sa 'yo ba ay mayro'ng nagmamay-ari?
Sa kaniya ba'y puwede kitang mabawi?
Kung wala ay nakikiusap ngayon
Na bigyan mo pa ng pagkakataon
Puwede ba na ako'y mapagbigyan?
Pintong nakasarado sana ay muling buksan
Mapapatawad mo ba ako sa aking kasalanan?
Hangang ngayon naman ay aking pinagsisisihan
Ngunit hindi ko inaasahan na ika'y mawawala
Mga pangako sa isa't isa nagmistulan na nga bang bula
May iba na ba sa 'yong nagpapasaya at nagpapakilig?
Dating mainit nating samahan ay tuluyan na nga bang nanlamig?
Ano'ng nangyari? Bakit 'di na tayo tulad pa ng dati?
Ngayon, puro alaala na lang ang lahat ng nangyari
Sa 'yo ba ay mayro'ng nagmamay-ari?
Sa kaniya ba'y puwede kitang mabawi?
Kung wala ay nakikiusap ngayon
Na bigyan mo pa ng pagkakataon
Sa 'yo ba ay mayro'ng nagmamay-ari?
Sa kaniya ba'y puwede kitang mabawi?
Kung wala ay nakikiusap ngayon
Na bigyan mo pa ng pagkakataon