Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Alon
Letters From June
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Parang araw at buwan
Nagtataguan
Sa dagat ng tala ikaw ay namasdan
Sa panaginip ko
Naglalaro
Bawat sandaling nais kang mahagkan
Sa ilalim ng buwan
Aaminin ko na
Na ikaw ang gusto kong makasama
Humahampas na ang alon
Ang mga tugon sa mga panalangin
Ikaw ang puhon
Sa mundong mapaglaro
Dalawa ang taya, ikaw at ako mahal ko
Bilisan ang takbo, umalis na tayo
Bago abutan ng pag gising ko
Ooohhh
Kinakabahan
Papalapit sa 'yo
Di alam ang sasabihin, nauutal
Sa bawat pintig ng puso
Ikaw ang sigaw mahal ko
Sasabihin sa 'yo na ang
Tadhana'y, mapaglaro
Sabay sa indayog ng alon
Tinangay ka sa maling tao
Tuluyang lumayo na sa piling ko
Litong lito, gulong gulo
Di maka-ahon ang puso kong
Papalayo sa iyo
Ba't ka nahulog sa maling tao?
Oooooh
Sa ilalim ng buwan
Aaminin ko na
Na ikaw ang gusto kong makasama
Ooooooh
Humahampas na ang alon
Ang mga tugon sa mga panalangin
Ikaw ang puhon
Sa mundong mapaglaro
Dalawa ang taya
Iba pala ang gusto mo
Ooooooh
Binilisan ang takbo palapit sa iyo
Bakit ka nahulog sa maling tao?
Maliwanag ang buwan
Nung ika'y masaktan
At ako'y nilapitan mo
Humahampas na ang alon
Aking tugon
Sana ako ang pinili mo
Sa mundong mapaglaro
Dalawa ang taya, ikaw at ako mahal ko
Bilisan ang takbo
Umalis na tayo
Ikaw ang daungan ng puso ko