Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Para Sa Lahat
Shamrock
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Lakbayin natin ang dagat
Sabihin ang makikita
Magtatanong, mag-iisip
Kung mayro'n pa bang natitira
Sino ang dapat sisihin?
Kung 'di tayo-tayo rin
Nagkakalat, nagpabaya
Sa ating mayamang tubig
Halika na, sumama ka
Buhayin natin ang nasisirang ganda
Panahon na, sumisid ka
Kailangan lamang natin na magkaisa
Para sa lahat
Pagyamanin natin ang ating tubig dagat
Para sa lahat
Isulong natin ang hanapbuhay dagat
Bakit 'di natin ialay
Ang karunungan na taglay
Madaling gawin, kung gustuhin
Ang isa't isa'y tulungan natin
Sagipin natin ang mga bagay
Na ang tubig sa ati'y inalay
Ang pagmamahal ng Maykapal
Sa ating patunay ang lahat ng 'yan
Halika na, sumama ka
Buhayin natin ang nasisirang ganda
Panahon na, sumisid ka
Kailangan lamang natin na magkaisa
Para sa lahat
Pagyamanin natin ang ating tubig dagat
Para sa lahat
Isulong natin ang hanapbuhay dagat
Nasa ating mga kamay
Ang naggagandahang kinabukasan
Simulan na natin ang humanap ng paraan
Para sa lahat
Pagyamanin natin ang ating tubig dagat
Para sa lahat
Isulong natin ang hanapbuhay dagat
Para sa lahat
Pagyamanin natin ang ating tubig dagat
Para sa lahat
Isulong natin ang hanapbuhay dagat