Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
44 Bars Challenge
atoy
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Ays ya boi?
Masyado ng malamig dito, kaya magpapainit na'ko
Sisimulan ko ng tapusin 'to, katulad ng pagtapos ko
Sa nalikha kong katha – dalawampu't apat na dura
'Di ko man akalain na malalim na pala akong huminga!
Diretso ang sipat, iniiwan ang lahat
Maliban sa pamilya na minamahal ko ng tapat
'Pagkat apelyido ko ay 'di mistulang aso na sikat
Pangalan mo, aking ama, ipinangako kong iaangat!
Nakakapagpabagabag 'pag inaamag at 'di mo mapagpag
Nakalatag lang sa papag pati ambag sa pangarap ay di mailapag
Na kung kailan kailangan may mapatunayan,
'Saka mo sinabi na bukas na lamang
Maraming pangarap ang mapapaslang 'pag inisip mong,
"MAY TIME PA NAMAN"
Nakakapagtaka, nako! Ba't ang daming nauna?
Madalas kasi tayong sumakay sa kawayan 'pag inaanod na
Gumawa ka ng iyong balsa, at maglayag pasalubong sa baha
Kulayan mo ang iyong pahina, bago ka magpahinga!
Alam niyo namang si Superman – walang inaasahang bayad
Kaya ang suportang hanapin mo, 'yong pangsasalo mo ng bay*g
Na magbibigay lakas, sa natatangi mong armas
At 'wag na 'wag kang aatras, 'pag ang polo mo'y bukas
Hmm, 'di niyo akalain 'yon. Si Superman na pala 'yon
Panghuhusga ang inuuna kasi sa lahat ng pagkakataon
Palibhasa 'pag wala pang pakinabang
Sa respeto 'wag umasa dahil babalewalain ka lamang!
Natuto na dapat may mapatunayan. Sa murang edad gusto ng makabilang
Sa takaw eksena ng kalalakihan, makabingwit ng limpak na kayaman
Sa bukid – na kung sa'n maraming dalaga
Na nais kong makitang nakatihaya
Sumisid at umahon ng mag-isa, dami nga ng isda
'Di naman masaya!
Tagong-tagong tagumpay, 'di ko na masilayan pa
Kaya umamin kay Bathala na ako'y nabahala na
At doon ko napagtanto na kahit ano man ang gawin mo
'Di ka makukuntento kung 'di nagsimula sa puso mo
Itinabi ang aking inggit, 'di na pinilit pang maging pang makulit
'Di na rin inaasam na sumikat para lang may masabi na may nakamit
Sa pamilya n'ako nakatuon, 'pag may kita, sa kanila na 'yon
Maging ehemplo, o modelo, para sainyo, sa'kin ay sapat na 'yon
Wordplay ba ang hanap niyo? Sorry kung binawasan ko
Nais ko lang maintindihan niyo ng maayos 'to
'Eto ang punto kung ba't pinasukan ko 'tong linyang 'to
Ang mensahe, at aking buhay, ibabahagi ko
Planuhin mong maganda, 'wag na 'wag magdududa
Pangarap ay abutin, at 'wag umasa sa iba
Dahil darating ang araw at wala ng bukas pa
'Di mo na masasabing, "BUKAS SISIMULAN KO NA"!