Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Huling Awit
Eliza Maturan
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Kung ayaw mo na sa aking piling
Magsabi ka
Kung sawa ka na sa aking tinig
Pasensiya na
Akala ko sa 'yo mag-aalay
Ng awit sa araw-araw ay hindi pala
Sa bawat pagpihit ng gitara'y
Hindi na pala 'yun ang gusto mong marinig
Tatahimik na lang at isasantabi ang awitin
'Di alam ba't biglaan, wala na pala sa 'yong piling
Maaari bang pakinggan mong muli
Kahit na ito na ang maging huli kong awit?
Kung tatanungin
Nais ko pa ring umawit
Ngunit pa'no ba ako makakalimot?
Sa awit, lalo lang tayong malulungkot
Gustuhin ko mang hindi na lang lumisan
Ngunit tila ito na lang yata ang sagot
'Ko'y lilisan na lang at isasantabi ang damdamin
'Di ko rin inasahan, paano ko ba hahabulin?
Gustuhin ko mang pakinggan mong muli
Kahit na ito na ang maging huling awit
Tatahimik na lang at isasantabi ang awitin
'Di alam ba't biglaan, wala na pala sa 'yong piling
Maaari bang pakinggan mong muli
Kahit na ito na ang maging huling awit?