Skip to content

Aninong Iniwan

Daniel San Miguel
Popularity · Low

Listen

YouTube

0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced

Lyrics

Limang taon, ngunit anino'y naroon pa rin Sa bawat hakbang, sa bawat bulong ng tubig Paano makakawala, paano makakalaya Kung ang tubig ay patuloy sa pag-agos, Hinuhugasan ang bakas ng kahapon? Kung tawagin ba ang yong ngalan, Sasagot ba ang tubig? O katulad ng agos, maglalaho, Walang sagot at malamig, mailap sa aking bisig? Ondine, ang anino'y di naglaho, Sa tubig, sa lupa, sa hanging dumaloy. Ako ba’y alaalang dapat limutin? O isang pangakong di kayang biguin? Ang lawa ay hindi lumilingon, Hindi bumabalik sa pinanggalingan. Ano’ng halaga ng pangako, Kung ang aninong iniwa’y inanod ng panahon? Kung ito’y panaginip, wag na sanang magising, Kung ito’y sumpa, di kakalabanin Dahil sa bawat patak ng tubig, Ikaw pa rin ang pag-ibig, Ikaw pa rin ang hahanapin, hahanapin! Ondine, ang anino'y di naglaho, Sa tubig, sa lupa, sa hanging dumaloy. Ako ba’y alaalang dapat limutin? O isang pangakong di kayang biguin?