Skip to content

Ikaw at Ako

Popularity · Low

Listen

YouTube

0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced

Lyrics

Ikaw at ako, pinagtagpo Nag-usap ang ating puso Nagkasundong magsama habang-buhay Nagsumpaan sa Maykapal Walang iwanan, tag-init o tag-ulan Haharapin bawat unos na magdaan Sana'y 'di magmaliw ang pagtingin Kay daling sabihin, kay hirap gawin At sa mundong walang katiyakan Sabay nating gawing kahapon ang bukas Ikaw at ako, pinag-isa Tayong dal'wa, may kanya-kanya Sa isa't-isa, tayo ay sumasandal Bawat hangad, kayang abutin Sa pangamba'y 'di paaalipin Basta't ikaw, ako, tayo, magpakailanman Kung minsan ay 'di ko nababanggit Pag-ibig ko'y 'di masukat ng ano mang lambing At kung magkamali't ika'y saktan Puso mo ba'y handang magpatawad 'Di ko, 'di ko alam ang gagawin kung mawala ka Buhay ko'y may kahulugan tuwing ako'y iyong hagkan Umabot man sa 'ting huling hantungan Sa 'ting hantungan Kapit-puso kitang hahayaan, hahayaan Ngayon at kailanman, at kailanman Ikaw at ako