Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Ikaw sa Salamin
Gelo
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Kay ganda ng gabi
Pininturahang itim na langit
Sana nga'y tinitingnan nati'y iisa
Magkaisa kaya ang mga pusong
Sinadya ng tadhana
O kaya'y parte lang ng iyong istorya
Para lang matuto ka?
Tingnan mo ang salamin, kay ganda mo ngang tanawin
Animo'y mga bituin, ayos lang na hindi sa 'kin
Ikaw ang mga tala
Na hindi ko mahahawakan
Pagbitaw ng mga
Salitang puso ang nagkatha
Sa pagitan ng mga tawa
Ikaw ang nagdulot ng saya
Magpapadaloy pa ba sa mga agos
Na gawa sa luha ng mitsa
O kaya'y mananatili sa buhanging iniipit
Ang paa papunta sa iyo?
Tingnan mo ang salamin, kay ganda mo ngang tanawin
Animo'y mga bituin, ayos lang na hindi sa 'kin
Hagkan ka ang natatagong yaman
Na hindi ko mananakaw
Parang panaginip ang makilala ka
Tanggap ko ang lungkot sa iyong mga mata
Kung ako si Sol (kung ako si Sol)
At ikaw naman si Luna
Na minsan lang magtagpo
Kay ganda ng ating pagtagpo
Tingnan mo ang salamin, kay ganda mo ngang tanawin
Animo'y mga bituin, ayos lang na hindi sa 'kin
Ikaw ay bigay ni Bathala
O istorya ng mortal sa diwata
Hindi ako magsasawa
Repleksiyon mo'y kumikinang na tala