Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Sisikat Ka Iha
Bita and the Botflies
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Halika na, pirmahan ang kontrata
Isuko'ng sarili, 'wag nang babalik
Sisikat ka, iha
Sa iyong ganda, sila'y mapapasamba (iha)
Sa iyong kinis, sila'y manginginig (iha)
Sayaw Nene, sayaw Nene
Sayaw, sayaw, hanggang mawala ang iyong kaba
Sayaw Nene, sayaw Nene
Sayaw, sayaw, hanggang malasing sa kanilang hiyaw
Halika na, maraming nakapila
Sundin mo lang ano'ng gusto nila
Bumebenta ka, iha
Sa iyong haplos, sila'y mapapasaya (iha)
Mga malulungkot at nag-iisa (iha)
Sayaw Nene, sayaw Nene
Sayaw, sayaw, hanggang malasing sa kanilang hiyaw
Sayaw Nene, sayaw Nene
Sayaw, sayaw, hanggang mawala ang iyong hiya
Samantalahin mo na habang bata ka pa
Kung kulubot na, wala na kaming paki sa 'yo
Samantalahin habang bata ka pa
Kung kulubot na, wala ka nang saysay dito
Sayaw, sayaw, wala na kaming paki sa 'yo
Sayaw, sayaw, wala ka nang saysay dito
Sayaw Nene, sayaw Nene
Sayaw, sayaw, may ipapalit kami sa 'yo
Sayaw Nene, sayaw Nene
Sayaw, sayaw, may bago nang paborito