Skip to content

Pag-asa Kada Bukas

Marko Rudio
Popularity · Low

Listen

YouTube

0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced

Lyrics

Sa bawat hakbang Dala ang bigat ng nadungisan kong pangalan Tadhana'y bibitbitin Di ko naman yan hinihiling Maraming tanong Bakit ba ako ngayon ang nahihirapan? Di ko naman kasalanan Kung pwede lang ibalik ang ikot ng mundo at itatama ko At pwede bang ayusin ang mali at nang lahat ay magbago? Hindi ko man matatakasan ang kahapon Ngunit kaya pang baguhin ang ngayon At may pag-asa pa Sa gumuhong mundo Nabunyag ang sikreto Bakit ba sa 'kin naiwanan ang gulo ng nagdaan? Ang dami nang nasaktan Titibayan lang ang loob sa paglaban Hindi tutularan ang anino ng nakaraan Kung pwede lang ibalik ang ikot ng mundo at itatama ko At pwede bang ayusin ang mali at nang lahat ay magbago? Hindi ko man matatakasan ang kahapon Ngunit kaya pang baguhin ang ngayon At may pag-asa kada bukas Madilim na ang gabi, hindi nag-iisa Prinsipyo ang laging dala kong sandata Buwagin ma't magkagulo Di tatakbo, di magugupo Kahit na ilang beses saktan Hindi mapipigilan, tuloy sa paglaban Nasimulan na, tatapusin ko, kaya humanda kayo Kung pwede lang ibalik ang ikot ng mundo at itatama ko At pwede bang ayusin ang mali at nang lahat ay magbago? Hindi ko man matatakasan ang kahapon Ngunit kaya pang baguhin ang ngayon At may pag-asa kada bukas May pag-asa kada bukas