Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Piyesa Ng Makina
Apoc the Death Architect
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Oras na para lubos mong makilala
Ang 'yong sarili sa likod ng barikada
Pagka't gulong ng buhay mo'y nakahilata't
Nakagapos sa gitna ng grandiyosong makinarya
Tinatak sa mga bata: mag-aral ng maayos
Para makakuha ng trabahong may magandang sahod
Susi ang diploma para makaraos
Walang magandang bukas kapag walang natapos
Ganyan ang mentalidad, kaya naman ganado
Maging isang amo sa bangko
O di kaya ahenteng asensado sa kumpanyang magarbo
O kahit saan basta benepisyo ay panalo
Kaso 'di mo namalayan
Na hindi ikaw ang nagsemento sa kalsadang dadaanan
Lagpas dekada ka nag-aral para lang malaman
Na ika'y hinulma bilang kasangkapan
Ikaw ang turnilyo, piston at kadena
Nilalangisan tuwing akinse at atrenta
Sapagkat tayo ay mga piyesa lang ng makina
Ano? Tayo ay mga piyesa lang ng makina
Ikaw ang karburador, tubo pati balbula
Laspag ka na pero hindi mo pa napuna
Sapagkat tayo ay mga piyesa lang ng makina
'Tang ina (ha!) Mga piyesa lang ng makina
Bagong umaga, suot kurbata
Bitbit ang resumé, namumutla pa
Ika'y umasa hanggang tsumamba
Uraurada pumirma sa kontrata
Pangangakuan ka ng ranggo't karangalan
Promosyon na hatid, kalakip kasaganahan
Basta magtrabaho nang mabuti't magtiyaga lang
Sa paggapang paakyat ng ilusyon na hagdanan
Kalagayan mo, maliit ang halaga
Kaya taon taon, dagdag sweldo ay barya
Wala kang maipon kasi sweldo mo sapat na
Pang-kuryente, pagkain at pang-renta lang talaga
Manipulado ka tanga kaya di ka makaangat
Ang 'yong dedikasyon balewala lang sa lahat
Sa organisasyon, sinong yumaman nang sagad
Sino pa? Edi yung mga ulo sapagkat
Ikaw ang turnilyo, piston at kadena
Nilalangisan tuwing akinse at atrenta
Sapagkat tayo ay mga piyesa lang ng makina
Ano? Tayo ay mga piyesa lang ng makina
Ikaw ang karburador, tubo pati balbula
Laspag ka na pero hindi mo pa napuna
Sapagkat tayo ay mga piyesa lang ng makina
'Tang ina (Ha!) Mga piyesa lang ng makina
Nagserbisyo hanggang matanda na
Sabay masisisante ng mga namamahala
Parang piyesang kinalawang ang tadhana
Kasi pinagpalit sa mas bata pagka't pasweldo mas mababa
At dun ka lamang naturuan ng leksyon
Ilang dekada nagtrabaho patungo sa patibong
Nagretiro kasama piranggot lang na pensyon
Walang naipundar kung 'di altapresyon
Ngayon ang atensyon nasa lungkot ng kabiguan
Panghihinayang ay hindi makalimutan
Kung di lang ako nakinig sa dikta ng lipunan
Kung sumugal ako at makina'y tinalikuran
At matutunang dumiskarte mag-isa
Pagka't walang empleyadong milyonaryo, 'tang ina!
Mga pangarap ko ay nag-iba
Ang napatupad ko lang na pangarap ay pangarap ng iba
Ikaw ang turnilyo, piston at kadena
Nilalangisan tuwing akinse at atrenta
Sapagkat tayo ay mga piyesa lang ng makina
Ano? Tayo ay mga piyesa lang ng makina
Ikaw ang karburador, tubo pati balbula
Laspag ka na pero hindi mo pa napuna
Sapagkat tayo ay mga piyesa lang ng makina
'Tang ina (ha!) Mga piyesa lang ng makina