Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Manindigan
Guddhist Gunatita
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Kung iintindihin lang natin ang ating sarile
Di na natin na kailangan pa na mag habol
Pagkat buhay natin ay satin din naka depende
Di na natin na kaylangan pa na mag dabog
Dahil buhay ay ganyan sadyang mapaglaro
Matuto kang umunawa matuto kang tumayo
Pag ikay nadarapa matutong tumanggap ng pagka talo
Minsan kailangan mong masaktan
Upang iyong maranasan kung pano ang lumaban
Sa paraang hindi mo kailangan ng hidwaan
Kaya merong pag subok upang ika'y matuto
Mahirap pumanhik sa rurok ng walang paghubog
Lagi mo lang tatandaan proseso sa daan
Progreso walang dulo lagi mo pag handaan
Ang mga paparating diretso ang tingin
Distraksyon sa paligid ay wag mo nang pansinin
Wag mong iwanan ang 'yong sarile
Manindigan ka sa'yo
Mga bagay wag isise
Ikaw lang din ang lumikha
Wag mong iwanan ang yong sarile
Manindigan ka sa'yo
Mga bagay wag isise
Ikaw lang din ang lumikha (yeah yeah)
Napakaganda ng mundo kung 'yong sisilipen
Kaya wag mo ng isipin
Lumalason sayong isip
Alagaan ang sarili bago ang lahat
Upang maalagaan mo ang nasa 'yong paligid
Sabayan mo ang ihep ng hangen na papalapit sa'tin
Na nag papaalalang palaganap ang pag-ibig
Napakadami nyang senyales dapat tandaan
Natural lang bumigat minsan nararamdaman
Para may dahilan ka upang mapagaan (yeah yeah)
At lalo pang ganahan mag patuloy sa daan (woah)
Mag patuloy ang hakbang kahit pa malayo ang pupuntahan (yeah yeah woah)
Di hadlang ang kahirapan dahil don nilakasan ko pa lalo (yeah yeah)
Sarili pinamato kahit minsan malabo pinangako ko na kaya ko
At di ko ipinako kung saan saan (aha aha)
Kase alam ko sa sariling may pupuntahan
Wag mong iwanan ang yong sarile (hmmm)
Manindigan ka sa'yo
Mga bagay wag isise (hay yeah)
Ikaw lang din ang lumikha
Wag mong iwanan ang yong sarile (hmmm)
Manindigan ka sa'yo (sa'yo)
Mga bagay wag isise (isise)
Ikaw lang din ang lumikha
Dapat natin na malaman ang tunay na kahalagahan
Ng pagka buhay sa mundo (ah hmmm)
Ang dami nating nalalaman mga bagay na hindi kaylangan
Kaya ang isip ay lito (wooh)
Dapat natin na malaman ang tunay na kahalagahan
Ng pagka buhay sa mundo (oh)
Ang dami nating nalalaman mga bagay na hindi kaylangan
Kaya ang isip ay lito (oh)