Skip to content
Lyric
Dive
Public playlists
My playlists
Search
Sign in
Lumaban Ka
Willy Garte
Popularity · Low
+
Filipino · Original
0
0
Listen
YouTube
1
2
3
0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced
Lyrics
Original
Translation
Bilingual
Ang 'yong kahirapan
'Di dapat pagsisihan
Kung ang kapalaran
Bigay sa 'yo ng Maylalang
Limutin mo ang kalungkutan
Sinungaling ay pagtiisan
Bukas, sisikat ang araw
Lulunasan ang iyong pamamanglaw
Noon, ikaw ay nilikha
Ng Poong pinagpala
Kung ito man ang kapalaran
Tanggapin mo 'pagkat 'yan ay pagsubok lang
'Wag kang magdaramdam
Kung kabiguan ang 'yong makakamtan
Sadyang ganyan ang buhay
May pait at ligayang nadarama
Lumaban ka, 'wag susuko
Taas-noo kang humarap sa tao
Batas ng langit kung sa lupa'y sundin mo
Bagong umaga'y matatamo
'Wag kang magdaramdam
Kung kabiguan ang 'yong makakamtan
Sadyang ganyan ang buhay
May pait at ligayang nadarama
May pait at ligayang nadarama