Skip to content

Guddhist ft. Luci J - Nanlalamig (prod. $tickbeats)

LOCAL
Popularity · Low

Listen

YouTube

0:00 / 0:00
Loading YouTube player...
Lyrics offset
Synced

Lyrics

Verse 1: Mahal sabihin mo sa akin kung ano ang nangyayari Tayo ba'y nanlalamig, katanungan ay marami Minsan nalang magpakita, batid kong ikaw ay busy Lagi kitang iniisip, hindi mo ko masisisi Mahal alam mo bang nais ko sanang sayo pumunta Kaso pinangunahan mo nanaman akong pagod ka Lubos akong naninibago, mahal sating dalawa Nung huli na pagkikita ay nakasimangot ka Ano ba ang dahilan, gagawan kong paraan Yoko lang naman na relasyon ay magkalabuan Naririndi ka na siguro sa dami kong sinasabi Di kasi ako nasanay na hindi ka nagsasabi Kung saan ka pupunta, may payong ka bang dala Mahal mag ingat pag naglalakad lalo pag mag isa Siguro may tampo ka o meron ka nang iba Mahal nakakatampo na, naghahanap ka bang iba Hook: Nasaan ka Nasaan ka Tuwing ako'y nag iisa Nasaan ka Nasaan ka Bat parang nagiiba na Ang yong himig ng pag-ibig mo Nanlalamig ka ba Nasaan ka Nasaan ka Verse 2: Aking mahal kamusta ka, gusto kong makita ka Nananghalian ka na ba o baka tulog ka pa O baka naman sinasadiya mong magtulog-tulugan Para lang aking mensahe ay patuloy matabunan Nako sana wag naman, ang pangit na biro niyan Tuwing ako ay tumatawag laging binababaan Bat biglang nagkaganyan, dati di naman ganyan Dati nagagalit ka pag di ka nirereplyan Dati nagtatanong ka pa kung san ako pupunta Kung saking iinuman ay may mga babae ba Ngayon daig mo pa may utang, rason mo iba iba Ako naman itong tanga laging iniintindi ka Ibang iba na ang ngayon, pangit na ng iyong tugon Saking bawat sinasabi ay di na nakatuon Di ka naman nawala pero parang yun na nga Ang yong bawat kinikilos ang laking pinagiba Hook: Nasaan ka Nasaan ka Tuwing ako'y nag iisa Nasaan ka Nasaan ka Bat parang nagiiba na Ang yong himig ng pag-ibig mo Nanlalamig ka ba Nasaan ka Nasaan ka Hook: Nasaan ka Nasaan ka Tuwing ako'y nag iisa Nasaan ka Nasaan ka Bat parang nagiiba na Ang yong himig ng pag-ibig mo Nanlalamig ka ba Nasaan ka Nasaan ka